Chapter XXX
One-on-one
"D-Dominic?"Para akong nakakita ng multo. Laglag ang aking panga nang makita si Dominic sa harapan kong may dala-dalang bulaklak. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagtataka sa kung bakit nasa likuran ko si Argo na ang alam niya'y boss ko at ngayon ay topless pa!
"Oh! Dominic you're–" Natigil si mommy sa kanyang pagsasalita nang makita kaming tatlo sa kusina.
Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula dito sa kinatatayuan ko ngayon. This is...awkward!
Tumikhim si mommy. Akala ko'y isasalba niya ako ngunit mas pinili pa niyang mang-asar. Pambihira naman oh!
"Good morning tita,"
Si Dominic na mismo ang bumasag sa katahimikang bumalot sa amin ngunit halata sa boses niya ang pagtataka.
"G-good morning hijo. Napadalaw ka?" Mommy tried to act normal.
"Uhm, bibisitahin ko lang po sana si Via tita." Sumulyap si Dominic sa akin.
Nilingon ko si Argo sa aking likuran at nakita kong nakahalukipkip siya at madilim ang tingin kay Dominic. Nang magtama ang aming mga paningin ay umigting ang kanyang panga kaya't nag-iwas ako ng tingin. Why do I feel guilty? Damn!
"Oh!" Tumawa si mommy tsaka lumapit sa akin at pasimple akong itinulak kay Dominic.
Inabot ni Dominic sa akin ang flowers ng tahimik ngunit ang mga mata niyang kuryosong nakatingin sa tao sa likuran.
"T-thanks." I stuttered.
Hindi pa rin nawawala ang paningin niya sa likuran kaya naman abot-abot ang aking kaba na parang gusto ko nalang himatayin.
"You're her boss right?" Malamig na tanong ni Dominic.
Nag-angat agad ako ng tingin upang magpaliwanag sana. "U-uhm–"
"I'm her suitor, too."
Nalaglag ang aking panga at gulat ang mukhang bumaling kay Argo ngunit siya ay madilim pa rin ang tingin kay Dominic.
"What? I thought you're Nicole's boyfriend?" Sarkastikong sabi ni Dominic.
Napalunok ako sa kanyang sinabi.
Tumawa ng bahagya si Argo ngunit wala iyong humor. "Well, that's what you think. Hindi naman iyon ang totoo."
Ang ngisi sa labi ni Dominic ay unti-unting napawi at napalitan ng pagkainis.
"Well then, may the best man win." Sarkastikong tugon ni Dominic.
"I will surely win."
Para akong hihimatayin sa labis labis na kaba. Sumipol si mommy sa aking gilid.
Natahimik kami ng ilang saglit. Dominic and Argo we're looking at each other sarcastically.
"U-uhm, kain na tayo. Dominic, Argo dito na kayo kumain." Basag ko sa katahimikan.
Sumunod naman sila sa akin. Nanginginig ang aking mga tuhod na umupo sa upuan.
Umupo si Argo sa aking tabi. Si Dominic naman ay sa isa pang side ko.
Halos hindi na ako makahinga.Umupo si mommy sa aking harapan.
"Oh! Argo, Dominic, andito pala kayo." Kaswal na sabi ni Daddy habang umuupo sa tabi ni mommy. Para bang wala lang sa kanya ang lahat samantalang tense na tense na ako dito sa aking kinauupuan.
"Yes tito, I came here to visit and court Via." Nakangiting sabi ni Dominic kay daddy.
Uminit ang aking pisngi.
"Ohh. Ikaw Argo, ganoon din?" Baling ni daddy sa kanya.
Gusto ata akong patayin ni daddy sa kaba eh.
"No tito," Malamig na sabi ni Argo.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ganoon din siguro sila.
"I came here to visit my future wife."
Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. Pambihirang Argo, ngayon pa bumanat kung kailan kumakain ako.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Dominic dahil may aasikasuhin pa raw siya. Nagdadalawang-isip pa siyang umalis ngunit kinumbinsi ko siya dahil hindi pwedeng maapektuhan ang araw-araw niyang lakad dahil lamang sa akin.
Hindi na niya ako tinanong about kay Argo. Maybe Argo's explanation is enough?
"Ok, take care. I'll get going." Malambing na sabi ni Dominic saka ako hinalikan sa pisngi.
Nanlaki ang aking mga mata ngunit bago pa ako maka-react ay tinalikuran na niya ako para umalis.
"Kiss in cheeks, huh?" Napatalon ako nang magsalita si Argo sa aking likuran.
Narito ako sa poolside kasama si Dominic kanina habang si Argo at daddy naman ay nag-usap saglit about sa business.
Bumaling ako sa kanya at nakita kong nag-igting muli ang kanyang panga. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa guilt na hindi ko naman dapat maramdaman.
"K-kanina ka pa ba riyan?" Kinakabahan kong tanong.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Umupo siya sa katabing upuan at hinabol ang aking tingin. "Guilty ka?"
Binalingan ko siya ngunit napayuko ulit ako dahil hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang mga tingin.
"Huh? What are you talking about?" Tumawa pa ako upang maitago lamang ang kaba sa aking boses ngunit hindi ito gumana.
"Tss. Did he already kiss you in your lips?"
Natigilan ako sa kanyang sinabi. What the hell?
Bumaling ako sa kanya at nakitang nakahalukipkip siya na para bang ini-interrogate ako para sa isang krimeng nagawa ko.
"What?!"
"Did you two already kiss?" Kalmado niyang sabi.
Aba at inulit pa talaga.
"Of course not!" Pagalit kong sabi.
Kung ano-anong iniisip. Damn!
Ngumisi siya kaya't mas lalo lamang kumunot ang aking noo. "Good." Aniya.
"What?" Naiinis kong tanong.
"Mas lamang pa rin ako sa kanya kung ganon. At least I've already kissed you." Aniya saka nagpakawala ng isang nakakikilabot na ngisi.
"What the–"
Bago ko pa man maituloy ang aking sasabihin ay idinampi niya na ang kanyang labi sa aking mga labi. Saglit lamang at mababaw iyon.
"That ought you to shut up." Nakangisi niyang sabi.
Paniguradong pulang-pula na ang aking pisngi dahil sa ginawa niya.
"Bakit ka pa nandito? Wala ka bang ibang lakad?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Meron, but I don't care anymore."
"Huh?"
Tumingin siya sa akin. Ang kanina'y nambabanas niyang ekspresyon ay naging seryoso. "I want to feel secured. Gusto kong bakuran ang pagmamay-ari ko."
"What? Anong pagmamay-ari?"
"Ikaw. You're mine." Seryoso niyang sabi.
Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Tumawa ako para maibsan sana ang kabang nararamdaman ko ngunit mas lalo lamang itong lumala. "Excuse me but you're not my boyfriend. You don't own me." Pagtataray ko.
"That's why I'm here to win you over that man, Via. I'll claim you back because you're mine from the beginning and you'll always be mine."
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...