Chapter XXVIII
Court again
"Fuck! I still love you! It's still you no matter what!" Diretso at malinaw niyang sabi.
For a while I didn't breathe. I didn't react nor move. I don't know what to say, actually. He's still...what?
Laglag ang panga, nakaawang ang bibig at tulala ako. Siya naman ay taas-baba ang dibdib at mapupungay ang mga mata. Sandali lamang ito. Nakita kong nagdaan dito ang sakit at galit bago napalitan ng matalim na titig.
Nang mag-sink in sa akin ang lahat ng kanyang sinabi ay doon palang ako nakapag-isip. It's impossible! Napansin kong these past days ay may kakaiba sa kanyang kinikilos at ginagawa sa akin but I thought it was just all friendly gestures!
Saka lamang ako nakaimik nang maisip ko ang ideya ito. "H-hindi kaya..." Huminga ako ng malalim. I need to say this or else ay hindi ako papatulugin nito. "Hindi kaya natri-trigger ka lang kay Dominic?"
"What?" Galit niyang tanong. "Hindi siya ang mag-dedetermina ng nararamdaman ko para sa'yo Via. God knows how much I love you! Hindi iyon nagbago, hinding-hindi." Nakita kong may luha na namang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang mukha at sobra-sobra na ang paninikip ng dibdib ko ngunit kailangan kong isatinig ang aking mga naiisip. "What about ate Nicole? I thought there was something going on between the two of you." Napapaos kong sabi.
I need to clear things out. Mahirap mapaasa.
"Via, from the very start, you knew that Nicole is just a friend to me. It didn't change Via, it didn't," Nanghihina niyang sabi.
Umiling ako. I'm pretty sure that ate Nicole was always there when I left him. It's impossible that Argo didn't consider her.
"I-I dont know A-Argo. I really don't know what to do." Tuluyan na akong humagulgol.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Ang isa niyang kamay ay bumaba sa aking baywang at hinapit ako papalapit sa kanyang katawan. Ngayo'y damang-dama ko na ang init ng kanyang katawan at tila ba ang lamig na bumabalot sa aking puso ay unti-unting natunaw. Iniangat niya naman ang aking baba gamit ang isa pa niyang kamay upang magpantay ang aming mga paningin.
"Shh...you don't have to do anything," Malambing niyang sabi.
Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga kamay. Napapikit ako sa kanyang haplos.
"Look at me, baby," He whispered.
Tila isa akong robot na napapasunod niya sa kanyang mga sinasabi. Yes, this is his effect on me. Damn!
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at naabutan ko siyang nakatingin sa aking mga labi. Ibinalik niya uli ang tingin sa aking mga mata. He slowly closed his eyes and gently pressed his lips against mine. Sobrang banayad, isang halik na matagal ko ng hindi natitikman. Tila ba iyon ang tahanan ko. Hindi ko namamalayan na unti-unti na rin akong pumikit at dinami ang init ng kanyang halik.
Nang matapos ang kanyang halik ay tinitigan niya ako ng saglit tsaka niyakap ng mahigpit. Ang kanyang mainit na hininga ay damang-dama ko sa aking leeg.
"Please let me prove it to you. Let me..."
»•«
Matapos ng pangyayaring iyon ay tahimik kaming dalawa na bumalik sa dalampasigan. Kami na lang pala ang hinihintay nila para makakain kami ng sabay-sabay. Ang resulta, walang katapusang pang-eechoss na naman ang natanggap namin. Ang kaibahan, hindi kami makasabay, hindi man lang makangiti. His words were still fresh that I couldn't even smile. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Bahala na lang.
Nang maghapon ay napagpasyahan na naming umuwi. Hinatid ako ni Argo sa bahay pero wala si mommy at daddy. Pinilit kong matulog pero gising na gising ang aking ulirat. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Kahit na pagod na pagod ang aking katawan ay panay ang pigil sa akin ng aking utak.
Kinaumagahan ay muntikan na akong ma-late sa trabaho dahil sa sobrang puyat kagabi. Nagmadali ako sa pagpasok at pagtuntong ko sa aming floor ay naabutan kong dinudumog ng aking mga officemate ang aking office.
Nagmadali ako sa pagpunta doon at sumingit sa mga tao na nakikiusyoso sa kung anong meron sa aking office.
"Anong meron dito?" Tanong ko nang makatapat ako sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko nang ilibot ang aking paningin sa buong opisina. Punong-puno iyon ng mga pulang lobo na hugis puso at ang sahig ay puno ng mga red rose petals. Nang mapadpad ang aking tingin sa aking desk ay na-estatwa ako sa aking kinatatayuan.
"Oh my gosh!" Napatakip ako sa aking bibig.
"Good morning, miss," Isang nakakakilabot na ngisi ang pinakawalan ni Argo.
Nakaupo siya mismo sa aking desk at may hawak na isang bouquet ng bulaklak. Naka-dark blue longsleeves siya na itinupi hanggang siko at naka-tuck in sa kanyang black slacks.
Sobra-sobra ang pagkabog ng aking dibdib lalo na nang lumapit siya sa akin.
Nagtilian ang mga babaeng nanonood sa amin sa labas ng office.
Nang makabawi ako sa nangyayari ay agad akong nagtaas ng kilay. "What's this?" Mataray kong sabi kahit na sa loob loob ko'y halos matunaw na ako.
He smirked. "Can't you see miss? I'm courting you again." Aniya sabay kindat.
"Waaaaaaaaah!" Sabay-sabay ulit nilang tili. Maging ang mga lalaki ay napapasabay na rin. Tss.
"Paano kung ayoko?" Humalukipkip ako at pilit na itinataas ang kilay kahit na gustong-gusto ko ng ngumiti.
"Tss. Wala kang magagawa, boss mo ako eh. You will always follow my command, miss." Aniya at isang ngisi na naman ang pinakawalan niya.
"So my approval of you courting me is your command?" Mataray kong sabi.
"Uh-huh, and you can say no."
"Via, pumayag ka na, si sir Argo na 'yan oh!" Kantyaw ni Abby na nasa unahan pala ng mga nakikiusyoso.
Nag-second the motion naman ang iba kaya't nanliit ang mga mata ko sa kanila.
Tumawa si Argo kaya't nabaling ang aking atensiyon sa kanya. "So what miss? Am I getting your approval?" Siya naman ang nagtaas ng kilay ngayon.
Ngumisi ako. " Ano pang silbi ng approval ko kung hindi rin naman ako makakatanggi?" Pagmamatigas ko pa.
Ngumisi rin siya. "Come on, miss. I still want your approval though. Para hindi ka naman mukhang napipilitan."
Butterflies in my stomach came in like they were celebrating for what Argo is doing and saying. "Ok boss, feel free to court me."
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomansaVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...