Hi guys! This is my first story :) Hope you'll enjoy reading! Thank you in advance <3
Update as of 12/24/19: Hello po! I published a new story here on wattpad. I hope you can read it, too. Just click my username to check it out. 'Embedded Fate' po ang title. Thank you and Godbless❤
----------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------Way Back To You
"L-let's stop this." Nakayukong sabi ko.
Makulimlim ang kalangitan at malakas ang ihip ng hangin, senyales na babagsak na ang ulan.
"W-what do you mean?" Nagtataka at gulat na tanong Argo.
Nandito kami ngayon sa park gaya ng napag-usapan namin kahapon. Ngayong araw lang na'to ang free time niya sa trabaho kaya naman sinamantala ko na.
Huminga ako ng malalim. I hope I can do this. "A-ayoko na Argo. L-let's break up." Nakayuko pa rin ako.
Naramdaman kong humakbang siya palapit sa akin.
Sarkastiko siyang tumawa."Pinapunta mo ako dito for that? For what reason?" Ramdam ko sa boses niya ang frustration ngunit kalmado pa rin naman siya.
Huminga ulit ako ng malalim. "A-alam mo namang p-pangarap kong magtrabaho sa US. And...ito na 'yon. Natanggap na ako ng isang malaking kompanya doon Argo." Pahina ng pahina ang boses ko at nauutal na ako.
I hope tama 'tong ginagawa ko.
"So makikipag-split ka sa akin dahil lang sa aalis ka na? Hindi ba pwedeng maging tayo when we're far from each other?" Pinaghalong galit at inis ang tono ng pananalita niya ngayon at bahagya na rin itong tumataas.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakakunot-noo siya pero mababakas pa rin ang kagwapuhan ng nilalang na ito. Yumuko ulit ako. Damn! Baka kung patuloy ko siyang tititigan ay bawiin ko ang lahat ng sinabi ko.
Ilang sandali pa bago ako nakasagot. "Y-you know how hard it is kapag ldr, Argo. Mahihirapan ka lang. Mahihirapan lang tayo-"
"Mahihirapan? Your reasons are unjustifiable Via! Nakikipag-split ka sa akin dahil ayaw mong mahirapan ka? Ako? You're unbelievable." Ramdam na ramdam ko ang nagngingitngit na galit niya. Mataas na ang tono ng kanyang boses, pahiwatig na na-offend ko na nga siya ng sobra sobra.
Nanlambot ang aking mga tuhod. May luha ng pumatak sa aking mga mata. "Argo you don't understand -"
"I don't understand?" Halos pasigaw na ito kaya't nanginginig na ang buo kong katawan. "No, Via. You don't understand! Kaya ko namang tiisin kahit malayo ka ha." Medyo kumalma siya ngunit mababakas pa rin ang galit sa kanyang mga mata.
Buti na lang at wala ng masyadong tao dito sa park ngayon dahil uulan na kundi ay talagang maririnig nila ang bangayan namin ni Argo ngayon.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya."Argo hindi natin alam ang mangyayari! Hindi natin masasabi na magiging loyal tayo sa isa't isa habang magkalayo tayo kaya ngayon pa lang, itigil na natin 'to." Tuluyan na akong umiyak.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...