Chapter VII

596 30 5
                                    

Chapter VII
Still

~Flashback~

"I love you, Timothy Argo Javier!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.

Napailing na lamang ako. Tss, ate Nicole again.

"Nicole, kailan mo ba ako titigilan?" Pabulong na sabi ni Argo sa iritadong tono.

Nilingon ko si Argo na ngayon ay napahawak na sa kanyang noo. Stress na stress lang ha?

Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga benches sa school at kumakain ng snacks. Buti nalang at pareho ang schedule namin ng lunch at break.

Schoolmates kami ni Argo simula highschool at ngayo'y pareho na kaming nasa kolehiyo. 1 year ang tanda niya sa akin. Sa kanyang artistahing mukha ay hindi maitatangging campus crush siya kaya't ako bilang girlfriend niya ay hindi na nagtataka at nagagalit sa mga biglaang lumuluhod sa harapan niya at nagmamakaawang gawing girlfriend niya. Hindi ko na rin pinapansin pa ang mga love letters na natatanggap niya araw-araw. Anong magagawa ko? Heartthrob ang minahal ko eh.


Kapag nalalaman ng mga nagkakagusto sa kanya na may girlfriend na siya ay medyo nagiging behave sila. Ang iba naman ay itinitigil na lang iyon bilang respeto daw sa akin. Pero, sa lahat ng may gusto sa kanya, itong si Nicole Alexis Angeles ang pinakamatiyaga sa lahat. Magka-block sila ni Argo. Higit doon, medyo close sila ni Argo. Sobrang vocal niya sa nararamdaman niya para kay Argo kahit alam niyang meron na ako sa buhay niya ngunit ni minsan ay hindi ako na-threaten dahil laging ipinaparamdam sa akin ni Argo na ako lang talaga. Pero, dahil na rin sa pagmamalabis ni ate Nicole ay si Argo na mismo ang umiiwas dahil ayon sa kanya ay para matigil na si Nicole sa kakaasa sa kanya.

Para sa akin ay ok lang naman. Mabait naman si ate Nicole sa akin. In fact, minsan ay nag-uusap din kami. Siguro ay sobrang in love lang talaga siya kay Argo kaya siya nagkakaganito.

Hinaplos ko ng marahan ang kanyang likod. "Tch, hayaan mo na. Babae din siya gaya ko kaya respect her feelings okay?" Malambing kong sabi.

"Hindi ka man lang ba magseselos o magagalit?" Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Hmm, hindi." Pang-aasar ko sa kanya.

Ginulo niya ang kanyang buhok. "Via, kahit minsan lang, maging possesive ka naman sa akin. Magselos ka naman, please." Nakanguso niyang sabi.

Ngumisi ako. "Seriously? Gusto mo akong magselos? Huh, hindi mo gugustuhing makita 'pag nagselos ako." Pang-aasar ko pa with matching taas-kilay.

Nagtaas din siya ng kilay. "Really, huh? Sige nga, anong kaya mong gawin 'pag nagseselos ka?" Pumangalumbaba pa talaga siya.

Napaisip ako. "Hmm, hindi lang naman kita papansinin ng isang buong sem. Gusto mo 'yon?" Tumawa ako.

Ngumuso siya tsaka ako niyakap.

"Huy, PDA tayo!" Saway ko sa kanya habang tumatawa.

Ngunit imbes na itigil niya ang kanyang ginagawa ay ibinaon niya pa ang kanyang mukha sa aking balikat. "If that's your way of being jealous, then I'd really push all girls away from me, baby." Malambing na bulong niya sa aking tainga.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon