Chapter X
EngagedAng dining table nila Argo ay oblong-shaped na pang-12 katao. Bale 5 chairs sa magkabilang side at tig-isang chair naman sa dalawa pang sides nito. Dali-daling umupo sila tita, tito at Venice sa isang side ng table kung saan magkakatabi sila.
Oh no! Ibig sabihin ay makakatabi ko si Argo!
Naupo naman si Argo sa isang side ng table na parang walang pake kahit pa baka makatabi niya ako.
Ako naman ay na-estatwa sa aking kinatatayuan, hindi alam kung saan uupo.
Pati ba naman sa seating-arrangement?
"Oh Via, bakit ka pa nakatayo diyan? Umupo ka na," Ani tita, nang-aasar ang tono.
Pati ba naman sila ay makikisama sa pang-eechoss sa amin ni Argo?
Now I'm done.
Kung uupo ako sa tabi ni Argo ay baka hindi na ako makakain dahil sa sobrang kaba. Magiging conscious lang ako sa mga kilos ko. Pero, kung uupo naman ako sa isang side ng table na may iisang chair lang, iisipin nilang lahat na napakaarte ko at pati sa upuan ay mapili ako. Isa pa, baka mahalata nilang affected pa ako sa nangyari 3 years ago at kay Argo. Baka isipin pa nilang pabebe ako.
Pano na 'to?
Ah alam ko na!
Tutal ay limang chairs ang nasa kabilang side at nakaupo si Argo sa isang gilid ay uupo din ako sa kabilang gilid nito. Tama!
"Ate?" Natigil lamang ako sa aking pag-iisip nang tinawag ako ni Venice.
Napagtanto kong nakatingin na silang lahat sa akin. Si Argo nga ay nakakunot-noo pa.
"A-ah. S-sorry." Dali-dali akong umupo at hindi ko namalayan na naupo pala ako sa tabi ni Argo dahil sa sobrang pagkakataranta.
Damn! Hindi ko tuloy nasunod ang plano ko! Now I need to behave to the highest level dahil kung hindi ay mahahalata na ni Argo na affected pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
Napagtanto ko ring mas mabuting umupo ako sa tabi niya kesa sa isang chair pa dahil mabubuking niya ako.
Naging tahimik kami ni Argo sa pagkain at hindi ko alam kung bakit. Basta ako, tahimik ako dahil naiilang ako sa kanya kaya't hindi nalang ako nagsasalita. Tanging sila tito, tita at Venice lang ang nag-uusap. Nagsasalita lamang ako tuwing tinatanong ako nila tita. Ganoon din si Argo.
"How about you Via? How's US?" Tanong ni tita nang papatapos na kaming kumain.
Nasamid pa ako dahil saktong umiinom ako ng juice nang tanungin niya iyon. Buti na lang at walang nakapansin.
"I-it's fine naman po, tita." I smiled awkwardly.
"Buti naman at umuwi ka na." Singit ni tito.
Change topic po tayo please.
"P-pinapauwi na po kasi talaga ako ni mommy at daddy eh." Nauutal na sagot ko.
Gosh Via, umayos ka nga!
"Hmm, now that you're back ate..." Tumingin si Venice sa kuya niyang naka-concentrate lang sa kanyang pagkain. "Magkakaroon na ba ng part 2 ang love story niyo ni kuya?" Sobrang nakakalokang tanong ni Venice.
Nasamid si Argo sa kanyang kinakain.
Wow for the first time, naapektuhan siya!Uminit ang aking pisngi at napayuko na lang ako.
"Joke laaaang!" Pambabawi ni Venice. Nahalata sigurong awkward para sa amin ang tanong niya.
Makakahinga na sana ako ng maluwag nang biglang nagsalita si Argo. "It's impossible Venice..." Malamig niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...