Chapter XXXI
UnofficialNagpatuloy sa panliligaw si Argo at Dominic sa akin. With Dominic, I always feel comfortable. Yung pagmamahal niya ay iyong tipong alam mong safe ka, hindi ka masasaktan. Everyone wants that kind of love pero with Argo, lahat ng kilig na pwede kong maramdaman ay nagagawa niya. It was like a magical concept of love pero parang lagi akong nangangamba sa hindi ko matukoy na dahilan. Litong-lito na ako. Hindi ko alam kung sino. O tamang sabihin ko na alam ko kung sino ang pipiliin ko pero natatakot ako.
"You don't have to choose between the two of them, anak. All you need to do is follow your heart."
Iyan ang laging pangaral ni mommy sa akin pero kung susundin ko iyan ay magiging unfair ako dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang lamang.
Dahil sa nalalapit na anniversary ng kompanya ay nagkaroon kami ng outing sa beach sa La Union. Lahat ng employees nito ay kasama pati na din syempre ang nag-sponsor nito na si Argo.
"Why are you wearing shorts?" Masungit na tanong ni Argo sa akin pagbaba ko ng hagdan ng bahay.
Nag-insist siyang sunduin ako at sumabay ako sa kanya sa biyahe kahit na pwede naman akong sumabay sa mga officemate ko. Aniya'y wala daw outing na matutuloy kapag hindi ako sumabay sa kanya kaya't halos ipagkanulo na nila akong lahat. Tss. He really knows how to dominate me.
Sumimangot ako sa kanya. "Sir Argo, alangan namang naka-pants akong pupunta sa beach? Weird ha!" Pagtataray ko.
Ginulo niya ang kanyang buhok. Pikon na pikon na siguro sa akin. "Your showing too much skin you know? You can be the center of attraction!" Pagalit niyang sabi.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya tsaka tiningnan ang kabuuan ko. Naka short shorts ako ngayon (na hindi naman sobrang iksi) at plain white crop top. It's still decent, anyway. Masyado lang siguro siyang conservative? Tss.
"Whatever. Let's go." Nakahalukipkip kong sabi tsaka siya nilagpasan.
Narinig ko siyang nagmura ng malutong bago sumunod sa akin patungo sa kanyang sasakyan. Sarap inisin. Hmmm.
Nang nasa pintuan na ako ng front seat ng kanyang land cruiser ay napatili ako dumapo sa magkabilang gilid ko ang mga braso niya, ikinukulong ako. Hinarap ko siya na may pagtataray sa mukha kahit na sobra-sobra ang pagkalabog ang puso ko.
Seryoso ang kanyang mga mata at hindi ko alam kung galit na naman ba siya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa sobrang kaba ngunit narinig ko siyang tumawa ng bahagya.
"Baby, tiklop ka rin pala sa'kin, e." Sabi niya na nakangisi.
"Excuse me?"
"If you want to stroll around the beach with that outfit, then expect me to be with you all the time."
Kumunot ang aking noo."Ano? Adik ka ba?" Hindi ko na napigilan.
"Of course, miss. So that when I saw someone staring at you, I can immediately kill them. No one should dare to even look at you. Akin ka." Aniya saka tinalikuran ako para pumasok sa driver's seat.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ni hindi ako nakagalaw ng ilang segundo sa aking kinatatayuan. Imbes na matakot ako sa kanyang banta ay para pa akong kinukuryente. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay muli na namang naghuramentado.
Matagal ang biyahe ngunit hindi ako nainip sapagkat puro kami away sa loob ng sasakyan ni Argo. Yung away na parang asaran.
"Gusto mong kumain?" Tanong ko.
"Bakit, susubuan mo ba ako?"
"Your face!"
"Mag-ooffer ka ng pagkain habang nagda-drive ako? Paano ako makakakain habang nagda-drive, miss?" He said in amused grin.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...