Chapter XXVII

658 19 3
                                    

Chapter XXVII
Still you

Nag-decide ang buong batch namin na mag-stay muna sa Palawan for 3 days. Anila'y para naman daw ma-enjoy nila ng lubus-lubusan ang pagpunta dito. Ganun din ang ginawa ng bagong kasal, dito na raw sila magha-honeymoon.

"Via mags-stay rin ba kayo rito?" Tanong ni Amy.

Nasa dalampasigan kami ngayon. Ang mga boys ay nasa dagat at nagsusurfing samantalang kaming mga girls ay narito sa shore at nagsa-sun bathing.

"I'm not sure. Hindi siguro,"

Siguro ay hindi na dahil  marami pang trabaho si Argo sa Maynila. Mamayang lunch na ang uwi namin.

"Huh? Bakit naman?"

"Ang daming naiwang trabaho sa Manila, Amy," Nagkibit-balikat ako.

"Duh Via, baka nakakalimutan mong nandito rin ang boss mo at hayun siya nag-eenjoy din dito." Nguso niya kay Argo at sa mga boys na ngayon ay papalapit na sa amin.

Sa malayo ay tanaw ko na si Argo na ngayon ay topless at naka board shorts lang. His beach look expertly flaunt his masculine body. Nagfi-flex rin ang mga muscles sa kanyang mga braso habang naglalakad siya . Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Argo, why don't you extend you're stay here? Para naman makasama pa namin ng matagal si Via." Si Amy nang makalapit sila sa amin.

Gosh! Ginawa pa akong palusot!

Tumingin sa akin si Argo. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Paano ba naman kasi ay nakabalandra sa aking paningin ang 8-pack abs niya. What the heck!

"Oo nga naman bro!"si  Tommy.

Nag-second the motion naman ang iba.

"What do you think?" Bumaling si Argo sa akin.

I was startled.

"U-uhm, ikaw bahala, ikaw boss ko, e," Nag-iwas ako ng tingin.

Bakit parang may mali sa nasabi ko? Boss?

"Ayieee, boss ka daw oh!" Ani Brenda.

Ayan na naman sila at inechoss na naman kaming dalawa. Nakakahiya na talaga. Kung bakit ba kasi hindi ako nag-iingat sa mga sinasabi ko eh!

"No, you decide," Seryoso niyang sabi, ang mga mata'y diretso ang tingin sa akin.

I feel like my legs turned to jelly.

"Uy! Ano 'yan? Couple talk? Sali niyo naman kami!" Si Amy naman.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar nila dahil baka tuluyan na akong malusaw dito kapag ginawa ko iyon.

"I want to stay p-pero alam kong busy ka tsaka marami rin akong gagawin sa office." Nauutal kong sabi.

Nagtaas siya ng kilay at bumaling sa mga kasama namin. "Via wants to stay here, so, we'll stay here." 

Nanlaki ang mga mata ko at kasabay nun ay ang pag-init ng pisngi ko.

Nagtilian ulit sila ngunit hindi ko na inalintana iyon at lumapit kay Argo para bumulong.

"Pa'no yung work?" Nahihiya kong tanong.

Binalingan niya ako gamit ang mga namumungay na mata. "Don't think of it. We'll just fix it kapag nakauwi na tayo, alright?" malambing niyang sabi.

"O-okay..."

Gaya ng sinabi niya ay nag-stay nga kami sa beach ngunit dalawang araw lang.

Sobra-sobrang catch up ang naganap sa aming mga batchmates. Sobra naming in-enjoy ang bawat segundo namin dito sa Palawan dahil alam naming pagbalik na pagbalik sa Maynila, all will be back to normal again.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon