Chapter XXIV

696 20 2
                                    

Chapter XXIV
Pretend

Gaya ng napag-usapan ni Dominic at Nicole kanina ay sama-sama nga kaming namasyal sa park. Ni hindi talaga kami tinanong ni Argo kung payag ba kami o hindi. Sabagay, masaya naman ang naging resulta ng aming pagsasama-sama dahil marami kami pero hindi ko pa rin maiwasang ma-conscious lalo na at sila ang kasama namin. Buti na lang at masiyahin si Dominic at Nicole kaya't nababawasan ang pagiging awkward ng sitwasyon para sa akin. Si Argo naman ay mukhang badtrip yata at kahit anong gawin ni ate Nicole ay hindi siya ganoong sumasaya. Ngumingiti naman siya pero saglit at parang pilit lang iyon. Nakakapanibago nga e dahil sa lahat ng pagkakataong nakikita ko silang magkasama ni ate Nicole ay laging malapad ang kanyang ngiti ngunit ngayon ay para siyang yelo sa sobrang cold. Paminsan-minsan ay nahuhuli kong nakatingin si Argo sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon iniisip dahil baka nagkakamali lang ako ng akala. I don't want to ruin the moment with my instincts.
Iba't ibang mga rides na an gaming nasakyan. Nakakapagod man ngunit enjoy na enjoy talaga ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa aking pagkabata.

Ngayo'y narito naman kami sa pila ng cable car na kasya ang dalawang tao sa bawat unit.

Magkasunod kami sa pila ni ate Nicole at doo'y wala siyang ibang ginawa kundi daldalan ako. Nakakamiss pala talaga siya dahil sobrang saya niyang kasama though hindi kami masyadong close noon. Sobrang jolly niya na hindi mo mababakas sa kanyang itsura na maingay siyang tao dahil sa kanyang kagandahan.

Si Argo at Dominic naman ay nauuna sa amin sa pila. Madilim doon kaya't hirap kaming aninagin ang isa't isa.

"Miss, pasok na po sa boat. Nasa loob na po yung mga kasama niyo." Sabi nung operator.

Sa sobra naming kadaldalan ay hindi na namin namalayang iniwan na kami ng dalawang iyon. Aba at hindi man lang nagtawag.

Dalawang unit ang nasa harapan namin ngayon. "See you later!" Masayang sabi ni ate Nicole habang papunta siya sa isang unit.

"Sige ate, enjoy!" Masaya kong tugon tsaka pumasok na rin sa unit na nasa tapat ko.

"Dominic hindi ka man lang nagtawag-"

"It's Argo."

Ano daw?

Para akong nabingi sa aking narinig. Madilim sa loob ng unit kaya't ni-open ko ang flashlight sa aking phone upang makita kung sino ba talaga ang kasama ko.

Nang ma-open ang flashlight ay bumulantang sa akin ang seryosong mukha ni Argo.

Nagtakip siya ng kanyang mata gamit ang isa niyang kamay. "Turn that off. Masakit sa mata." Utos niya.

Oh. My. Gosh.

Tulala kong pinatay ang flashlight ng aking phone at nang mag-sink in sa akin lahat ay sinubukan kong buksan ang pintuan ng para makalabas. Maling unit ang napasukan ko, damn!

"Hindi mo iyan ma-oopen, nasa operator ang switch." Ani Argo.

Ngayon ay may ilaw na sa loob. Hinarap ko ang nakahalukipkip na si Argo ngunit imbes na mainis ako ay natulala lang ako nang makita ko ang mga braso niyang nagfi-flex dahil sa pagkakahalukipkip niya.

Pinilig ko na lang ang ulo ko at nag-iwas ng tingin.

"H-hindi ka man lang ba magrereklamo na ako yung kasama mo imbes na si ate Nicole?" Naaasar kong sabi dahil parelax-relax lang siya sa aking tabi.

Hindi siya sumagot ngunit binalingan niya ako gamit ang mga seryoso niyang mata. Kalaunan ay umangat ang sulok ng kanyang labi.

I bit my lower lip. Natanto kong may mali sa aking sinabi. Ano nga ba naman kasi kung kami ang magsasabay hindi ba? Wala naman na siyang issue sa akin. He already cleared the things between us that night. Ako na lang itong hindi maka-usad-usad but I’m trying my best!

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon