Chapter VIII

592 29 2
                                    

Chapter VIII
Acceptance

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral ng mga dokumentong ibinigay sa akin ni Argo. Nakatulong iyon sa akin upang maiwala ko ang lungkot at sakit na nararamdaman ko dahil sa nakita ko kanina.

Maybe it's true na mahal ko pa rin siya pero hanggang doon na lang iyon. Hindi ko na siya hahabulin pa dahil alam kong hindi na siya bibigay pa sa akin. Kung saan siya masaya, kung talagang may iba na, susuportahan ko siya. That is all I can do. Hindi ako manggugulo. I'll try to pretend, to act normally hanggang sa mawala na rin ng tuluyan ang pagmamahal ko sa kanya because this isn't right anymore. Someone deserves him better. Hindi ako kundi iyong taong nariyan sa kanya noong down na down siya.

Nang nagtanghali na ay ipinatawag niya na ako sa kanyang office para ituloy ang naudlot naming job orientation kanina. Sa tuwing may kakatok sa kanyang pintuan ay natrau-trauma na ako. Mamaya ay si ate Nicole na naman 'yon at magharutan na naman sila sa harapan ko.

»•«

"How's your first day of work?" Nakangiting tanong ni mommy sa akin.

Nasa dining table kaming tatlo gaya ng napag-usapan kaninang umaga. Sobrang daming pagkain ngayon na parang may pista. Anila'y celebration daw dahil sa pagkakatanggap ko sa trabaho. Little did they knew, I am not happy with my new job.

Isang pekeng ngiti ang pinakawalan ko. "Fine my." It's very tiring kung alam mo lang mommy.

"Kumusta ang pakikitungo niyo sa isa't isa ni Argo?" Nag-aalangang tanong niya.

Natigilan ako. Hindi kaya ay ni-set up ako ni mommy at daddy na magtrabaho doon sa kompanya ni Argo?

"Wait nga lang. Mom, dad, alam niyo na ba noon na si Argo ang CEO ng kompanya?" Seryoso kong tanong.

Nag-iwas ng tingin sa akin si mommy.

"What's wrong with working with your ex?" Kaswal na tanong ni dad.

"So, alam niyo nga?" Nanggigigil na tanong ko.

"Y-yup. But Via, pinag-apply ka namin doon dahil as we have told you, they are the number one supplier of car parts in NCR. Makabubuti sa career mo ang pagtatrabaho roon." Mahabang explanation ni mommy.

I feel so betrayed.

"Myyyy, dyyyy!" Naghihisterya kong sigaw at napasabunot ako sa aking buhok.

Napagkaisahan nila ako shit!

Nagtawanan silang dalawa. Ni hindi man lang na-guilty.

"Oh bakit? Anong masama kung sa kompanya ka ng ex mo magwo-work?" Paasar na tanong ni mommy. In-emphasize niya pa talaga yung pagkakasabi niya ng 'ex'.

Ngumuso ako sa kanya.

Napaka-mapaglaro naman talaga ng tadhana oh!

"Enough, enough. Let's just eat our dinner bago pa mawalan ng gana si Via dahil sa ex niya. Ang dami pa naman nitong pagkain," Paasar din na sabi ni dad. Haysss.

»•«

"Anak can I come in?" Malambing na tanong ni dad.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon