Chapter IX

591 28 8
                                    

Chapter IX
Reunited

"V-via? I-is that you?"

Napapikit ako. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago unti-unti silang hinarap. Now I have to face this bravely.

"H-hello t-tita!" Hindi ako makatingin ng diretso kay tita.

Damn, I really don't know what to say! I didn't see this coming!

Awkward na makita ko si tita pero mas awkward na naman kase nandito rin si Argo. Sana ay bumuka nalang ang lupa at lamunin ako ng buhay.

Handa na ako sa sampal, sabunot, at masasakit na salita na pwede kong matanggap sa kanya ngayon.

"Oh my gosh! I missed you Olivia, anak!" Tumakbo siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan. What? Hindi siya galit sa akin?

Dumako ang tingin ko kay Argo na seryosong nakatingin sa amin habang nakahalukipkip. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magkasalubong ang aming mga paningin. Para akong binibitay ngayon!

Nang kumalas si tita sa pagkakayakap sa akin ay pinaulanan niya ako ng mga tanong na sobra-sobrang nagpagulat sa akin.

"Kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan?"

Sa kabila ng pananakit ko sa kanyang anak ay maganda pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Back then, itinuturing ko nang pangalawang ina si tita Catherine. Sobrang close namin noon na parang ako pa ang anak niya kesa kay Argo. Botong-boto siya sa akin noon kaya naman nang iwan ko si Argo ay lubha akong nangulila sa kanya. Kasabay nito ay ang pag-aakalang galit siya sa akin.

"L-last week lang po tita." Naiilang na sagot ko.

"OMG! Ang laki ng ipinagbago mo, anak!" Naiiyak na sabi ni tita habang hinahawakan ang aking mukha.

I missed her too. Kumikirot ang puso ko dahil sa pakikitungo niya sa akin. Gusto ko man siyang yakapin ay nahihiya ako. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang maglambing ps sa kanya dahil matagal na kaming tapos ng anak niya.

Napangiti nalang ako ngunit may halo iyong lungkot.

I need to act normal.

"Tita ikaw din naman po eh. Mas lalo kang gumanda," Sabi ko ng walang halong bola. Mas lalo talaga siyang nag-bloom.

"Aysus bolera ka pa rin talaga. Oh! Argo anak, isama mo si Via mamaya sa dinner ha? Ok lang ba 'yon Via?"

"T-tita-"

"Oh come on, Via. We all miss you! Besides you should see Venice too."

Si Venice ang nakababatang kapatid ni Argo na para ko na ring kapatid noon.

Hindi ako nakasagot agad. Kung hindi lang issue para sa akin si Argo ay kanina pa ako um-oo. Maaaring welcome ako sa kanilang tatlo pero kay Argo, hindi.

"Sige na please," Nangungusap na ang tono ni tita habang hinahawakan ang aking kamay.

Napalunok na lang ako at unti-unting tumango sa kanya.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon