Chapter XX
He's interested"Her boss is not cruel. She chose that job. She should do it." Si Argo na diretso pa rin ang tingin sa pintuan ng elevator.
Nalaglag ang panga ko.
"Excuse-"
Umambang magsasalita si Dominic ngunit saktong bumukas na ang elevator at dire-diretsong lumabas doon si Argo.
Ilang segundo pa bago kami naka-usad ni Dominic.
"Gago 'yun ah." Ani Dominic nang nakalabas na kami sa elevator.
"P-Pagpasensiyahan mo na 'yon, ganon lang talaga 'yon." Sabi ko habang kinukuha ang mga gamit ko mula kay Dominic.
"Sino ba 'yon?"
"Huwag mo nang alamin. Gotta go. Thanks Dominic!" Sabi ko habang papasok sa aking office.
"Huh? Ingat!"
"Uy ate! Sino 'yung naghatid sa'yo dito? Ikaw ha, may 'di ka sinasabi sa amin." Salubong ni Abby sa akin.
"Tss, he's a friend, Abby." Walang gana kong sagot.
"A friend? Baka naman boyFRIEND. In all fairness, gwapo siya ate." Nang-eechoss na sabi niya.
Tumawa ako. "Napaka-malisyosa mo talaga. Huwag kang mag-alala, ikaw ang unang makakaalam kapag may boyfriend na ako." Biro ko sa kanya.
Nagtawanan kami.
"Saan ka pala pumunta kagabi? Bigla ka nalang nawala sa bar."
Pinaalala na naman.
"Uh, may emergency sa bahay kagabi eh. Kaya umuwi ako." Palusot ko.
"Asus emergency raw. Baka naman nag-date kayo nung boyfriend mo." Pang-aasar niya.
"Che! Tigil-tigilan mo ako diyan Abby. Magtrabaho ka na." Sabi ko sa kanya habang nakapamewang pa.
"Yes po. Opo ma'am eto na po." Sabi niya na tumatawa pa palabas ng opisina ko.
Umiling-iling ako.
Buti na lang talaga at may mga taong makapagpapagaan ng atmosphere dito sa office.
Naging magaan at maayos naman ang pagtratrabaho ko ngayong araw. Nagpapasalamat ako dahil matapos ng nangyari kanina sa elevator ay hindi ko na muli pang nakita si Argo. I think maghapon siyang nagkulong sa kanyang office sa hindi ko alam na kadahilanan.
Nang palabas na ako sa building ay napagtanto kong wala akong sasakyan dahil inihatid lang pala ako ni Dominic kanina. Mapapa-commute na naman ako ng 'di oras!
Ngunit nang makalabas ako ng building ng tuluyan ay bumusina ang sasakyang nakapark sa harap ng building. Agad kong nakilala ang sasakyan. Sasakyan iyon ni Dominic.
Ibinababa niya ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mapormang-maporma niyang tindig. "Sakay na, Ms. Peralta." Nakangisi niyang sabi.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Ano namang pakulo 'to?"
"Sinusundo kita kase alam kong wala kang sasakyan pauwi at ayokong mag-commute ka." He winked.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...