Chapter XII

602 24 5
                                    

Chapter XII
Maling akala

Hindi na ako umalis sa aming table dahil sa sinabi ni Argo. Natakot akong baka nga gawin niya iyon. Kasabay nun ay ang labis-labis na pagpintig ng aking puso dahil sa mga ginawa niya.Siya rin ay nag-stay lang din doon kasama ko. Bantay-sarado talaga. Hindi kami nag-iimikan pero hindi na awkward sa akin ang pangyayaring iyon. Siguro ay dahil sa mga nangyari na rin kanina.

»•«

"Oh Via, dala mo car mo?" Tanong ni Amy nang papalabas na kaming lahat sa loob ng bar.

Alas dose na ng umaga at lahat kami ay may work kinabukasan kaya kailangan na naming umuwi.

"Hindi eh." Nanghihinang sagot ko dahil sa sobrang antok.

"Ha? Eh paano ka uuwi niyan?" Tanong naman ni Gab na nakaakbay kay Amy na papikit-pikit na rin dahil sa kalasingan at antok.

Nagkibit-balikat ako. "Taxi,"

Inaantok na talaga ako.

Marami pa namang taxi sa daan dahil along the highway ang bar. Hindi ko dinala ang Wigo ko dahil alam kong maraming pumupunta dito at mahirap humanap ng parking space. Tama nga ako dahil ngayon ay puno pa rin ang kanilang parking lot.

"It's already midnight, delikado na ang mag-commute." Malamig na sabat ni Argo sa aming likuran.

Nilingon ko siya ng nakakunot ang aking noo.

"Ha? Eh anong sasakyan ko pauwi? Maglalakad?" Medyo inis kong tanong.

Kanina pa siya ha. Konti nalang ay ituturing ko na siyang kontrabida sa buhay ko.

"Get in my car. Ihahatid na kita." Malamig na utas niya saka nilagpasan kaming lahat.

Sumipol ang mga lalaking kasama namin.

Nalaglag ang aking panga.

Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay hinabol ko siya kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kasama namin.

Magtataxi nalang ako kesa makasabay ang sungit na 'to.

"Argo!" Tawag ko sa kanya nang malapit ko na siyang maabutan.

Ang bilis niyang maglakad! Palibhasa ay mahahaba ang kanyang mga binti.

Tumigil siya sa paglalakad at tamad na lumingon sa akin.

"What?" Masungit na tanong niya.

"Uhm, magcocommute nalang ako. 45 minutes away lang naman ang bahay mula dito eh." Sabi ko ng walang halong kapabebehan.

Baka kasi napipilitan lang siyang ihatid ako dahil baka isipin niyang kargo niya pa kapag napahamak ako. Well, I'm sure naman na walang mangyayaring masama sa akin dahil nananalangin ako bago umalis sa bahay.

"Tss. Just get in my car." Masungit na naman niyang sabi, hindi pinansin ang mga una kong sinabi.

I bit my lower lip. Damn it!

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon