Chapter IV

664 31 6
                                    

Chapter IV
Boss-to-be

I felt my heart beating fast. Na-estatwa ako sa kinauupuan ko at laglag-pangang tumunganga sa screen ng tv. Mas lalo siyang gumwapo. Ang matangos niyang ilong, ang matalim niyang panga, ang mapupulang mga labi niya at ang mga mata niyang parang laging nangungusap. Ugh! Stop this! I think I can't look at him kahit sa tv lang. Para akong sinasampal ng katotohanang siya na sinayang ko ay mas lalong naging successful.

Papatayin ko na sana ang tv nang biglang...

"Ohh. Family lang? Girlfriend hindi? Does that mean wala kang special someone?" Maintrigang tanong ng host.

Bahagya siyang tumawa. Omg! I missed that laugh! "There are many other things that is more important than that. I think hindi pa ipinapanganak yung mapapangasawa ko." Pabiro niyang sagot.

Parang nadurog ng libo-libong beses ang puso ko. Kung makasagot siya ay parang hindi siya nagmahal noon. Kinalimutan na nga niya ako ng tuluyan. Sabagay, ano pa nga ba ang karapatan kong manatili sa alaala niya? I hurt him badly and I deserve this.

May luhang tumakas sa aking mga mata. Nagtawanan silang dalawa ng host.

"By the way, your company was known for..."

Tila ba nabingi ako sa mga sumunod na usapan nila ng host. Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. Nagtungo ako sa aking kwarto at maghapong nagmukmok doon.

»•«

"'Nak are you sure na ayaw mo munang mag-rest kahit one month lang?" Tanong ni mommy.

Nasa dining table kami ngayon nila daddy at kumakain ng dinner na si mommy mismo ang naghanda at nagluto. Ayon sa kanya ay special daw ang gabing ito dahil ngayon lang ulit kami nagkasama-sama sa hapag.

Nginuya ko muna ang steak na kinakain ko bago sumagot. "Opo my. Mababaliw lang po ako kung wala akong mapagkaka-abalahang trabaho for the whole month." Mahabang sagot ko.

Sumingit si daddy sa usapan. "Well, kung gusto mo na talagang mag-work, I can recommend you to my colleagues. Or if you want, I can refer you to Javier Group of Companies." Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni dad sa akin. Si mommy naman ay nag-iwas ng tingin at bahagyang napayuko.

Javier Group of Companies?

"Uhm, dad, what's with Javier Group of Companies?" I asked out of curiosity. Hindi ko na ginagalaw ang pagkain ko. Maging sila ni mommy at daddy ay ganoon din ang ginawa.

Binitawan ni daddy ang kutsara at tinidor na hawak niya at tuluyan na akong hinarap. Hindi pa rin nawawala ang makabuluhang tingin niya sa akin. What's the matter? "Well, they are the number one supplier and producer of car parts in NCR right now. It would be good if you'd be part of their team, right hon?" Bumaling siya kay mommy.

Ngumiti si mommy. "Y-yes of course."

Napaisip ako. Hmm, tama nga naman si mom at dad. Magandang experience 'yon para sa akin sa trabaho. Mas lalong yayabong ang aking career kapag naging empleyado nila ako.

"Sige po my, dy. I'm in. Pero ako na lang po ang mag-aapply." I replied.

Dad cleared his throat. "Are you sure you don't need my help?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na po, dad. Leave it to me. Kayang-kaya ko iyon. Mana yata 'to sa'yo." Pabiro kong sabi habang tinuturo-turo pa ang sarili ko.

Nagtawanan kaming tatlo. Aww, I missed this kind of bonding.

Matapos ang dinner ay dumiretso na ako sa aking kwarto at in-open ang website ng kompanya. May nakalagay doon na contact number kaya tinawagan ko. Isang middle-aged man ang sumagot sa akin. Sinabihan niya akong ipasa ang aking resume at application letter mismo sa gabing iyon dahil hanggang bukas nalang ang hiring kaya naman nagsunog ako ng kilay para tapusin na ang mga kinakailangan. Nang naipasa ko na iyon ay sinabi sa aking tatawagan nalang ako ulit para sa interview.

The next day, nakatanggap ako ng e-mail galing sa company saying na may interview ako doon mismo sa kanilang building that's why buong maghapon akong nagprepare para doon. I need to be part of the institution. I need to be hired.

»•«

"Hi miss, I'm looking for Mr. Ramos." Diretsong sabi ko sa babae sa front desk.

Si Mr. Ramos yung nakausap ko sa phone kahapon. Aniya'y siya ang in-charge sa mga applicants.

Nasa building na ako ngayon ng Javier Group of Companies. 8:00 am ang sinabing interview kaya 7:00 palang ay umalis na ako ng bahay pero dahil sa matinding traffic ay saktong alas otso na ako nakarating. Sana naman ay hindi ma-bad shot sa akin ang kompanya dahil sa muntikan kong pagka-late. Well, I'm just in time.

Ngumiti sa akin ang babae. "Are you one of the applicants ma'am?" Tanong niya.

"Yes."

"Wait lang po at tatawagan ko lang po ang office niya. Maupo po muna kayo." Tugon niya habang tinuturo sa akin ang malaking couch malapit sa lobby ng building.

Naupo ako sa couch. Ilang sandali pa ang lumipas ay may babaeng lumapit sa akin. I think she's in her 30s.

"Ms. Peralta?" Nakangiting sabi nung babae.

Tumayo ako bilang paggalang. "This way." Turo niya sa akin papasok sa loob ng elevator.

"Wala si Mr. Ramos ngayon kaya si Mr. Javier na ang mag-iinterview sa'yo." Sabi nung babae habang nakasakay kaming dalawa sa elevator.

Mr. Javier?

Bumukas na ang elevator kaya nawala ako sa aking iniisip.

Sa floor na iyon ay tabi-tabing mga offices ang nakalatag. Siguro ay opisina ng mga nagtataasang opisyal ng kompanya. Tumigil kami sa tapat ng pinakamalaking office doon. Binasa ko ang nakasulat sa harap ng pintuan, Office of the CEO. Oww. Wait what?! Yung CEO ng kompanya ang mag-iinterview sa akin?

"Dito ka muna sa labas for a while Ms. Peralta. Ibibigay ko lang kay sir itong documents mo." Putol nung babae sa pag-iisip ko. Pumasok siya sa loob ng office at iniwan akong mag-isa sa harap ng pintuan mismo.

Inayos ko ang suot ko. I'm wearing a white collared blouse tucked in a pencil cut black skirt na 1 inch below the knee to make my self presentable. Dapat ay sa suot palang, pasado na ako.

Bumukas ang pintuan at sinenyasan ako nung babae na pumasok na sa loob. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to.

"Sir, here she is." Sabi nung babae at lumabas na ng room.

Lumapit ako sa desk at nakita ang nakayukong lalaki na nakaupo doon.

"Good morning sir-"

Natigilan ako nang tumingin sa akin ang lalaking nakaupo sa swivel chair.

Shit!

"A-Argo"

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon