Chapter XIII
Run awayMatulin niyang pinatakbo ang kanyang Land Cruiser. Halos hindi na niya hintuan ang mga traffic lights. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang ihinto na lang niya sa tabi ang sasakyan at bababa na ako para maihatid niya na ng diretso si ate Nicole sa kung saan man pero ayokong dagdagan pa ang pressure na nararamdaman niya.
Bahala na kung makita ko man silang sobrang sweet sa isa't isa.
Nang makarating kami sa bar kung nasaan si ate Nicole ay mabilis niyang ipinark ang sasakyan.
"Wait for me here." Sabi niya nang pababa na siya ng sasakyan.
Akala ko ay tuluyan na niyang nakalimutang may kasama siya sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nakasagot pa sa kanyang sinabi dahil kumaripas siya ng takbo sa loob ng bar.
Labindalawang minuto na ang nakakalipas simula nang pumasok si Argo sa loob ng bar. Ano na kayang nagyayari sa loob? Mula sa loob ng sasakyan ay natatanaw kong marami nang lumalabas at nagsisiuwian. Malamang ay dahil umaga na. Ni-check ko ang aking relo at mag-aala una na ng umaga.
What's taking them too long?
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na ako nakatiis. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpasyang puntahan sila sa loob ng bar dahil baka may masamang nangyari na sa kanila.
Pagbungad ko sa bar ay amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo. Maingay pa rin sa loob ngunit kaunti nalang ang tao.
Ugh!
Iginala ko ang aking mga mata sa buong bar, atat na mahanap na sila. Nang matagpuan ko sila ay parang nadurog ng isang daang beses ang puso ko.
Nasa pinakagilid at pinakamadilim silang parte ng bar, nakaupo sa sofa at...nagyayakapan.
May luhang tumakas sa aking mga mata. Ang lahat ng kilig na inipon ko kanina ay naglaho agad na parang bula. Gusto ko sanang umalis doon ngunit parang na-manhid ang aking mga paa. Hindi ako makagalaw kaya't wala akong nagawa kundi panoorin ang lalaking pinakamamahal ko na may kayakap na iba.
Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni Argo. Pinisil-pisil ko ang aking mga kamay. Tuluyan nang bumuhos ang aking mga luha. Ang mga yakap na iyon, dati ay sa akin niya lang ibinibigay. Ang mga braso niya, dati ay sa akin lang nakapulupot at ang puso niya, dati ay ako ang nagmamay-ari. Pero sa nakikita ko ngayon, walang-wala na.
Nang sa wakas ay nagkaroon ng kaunting lakas ang aking mga tuhod na kanina pa nanginginig ay inihakbang ko na ito palayo sa kanila. Unti-unti akong naglakad at nang makalabas na ako ng bar ay patakbo akong tumungo sa gilid ng daan.
Buti na lang at may naaninag agad akong taxi kaya't pinara ko iyon at sumakay na.
I can't blame him. I can't be mad. It's all my fault. It's my karma but I can't stop thinking, that should be me.
»•«
Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa office kahit sobrang puyat ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko hahayaang maapektuhan ng personal na mga dahilan ang trabaho ko pero hindi ko kakayanin na makahalubilo siya ngayon. Siguro ay iiwasan ko nalang siya. Nilagyan ko ng makapal na concealer ang aking mga matang namumugto pa rin dahil sa pag-iyak ko kagabi.
"Via, Sir Argo wants to talk to you. Proceed to his office now." Ani Ma'am Eunice at agad ding umalis.
Shit!
Nasapo ko na lamang ang aking noo. Kung kelan ayoko siyang makita ay saka niya pa talaga ako ipapatawag? Amazing!
Ayoko siyang puntahan ngunit gaya ng sinabi ko ay trabaho kung trabaho. Act normal. Ganyan nalang gagawin ko. Pakiramdam ko'y magiging expert na ako nito pagkatapos ng kontrata ko sa kompanya.
Nanginginig akong naglakad patungo sa kanyang office.
Inhale, exhale. Inhale, exhale. Inhale, exhale.
Nang buksan ko ang pintuan ng kanyang office ay nadatnan ko siyang nagsusulat sa kanyang desk.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagsusulat na parang hindi naramdaman ang presensiya ko.
"S-sir." Nauutal na sabi ko.
Tumigil siya sa pagsusulat at ibinaling ang seryoso niyang mga mata sa akin.
"Have a seat."
Tumungo ako sa upuan sa harap ng kanyang desk at umupo doon. Ngayo'y sobrang lapit na naman namin sa isa't isa. Kalma self.
Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Sir, these are the documents na ipinahiram mo sa akin nung last day. I already have a copy of it kaya–"
"Why did you left last night?" Pamumutol niya sa aking pagsasalita.
I felt my heart beating fast ngunit hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o kilig. I think it's the first one. Magagawa ko pa bang kiligin sa mga ginagawa niya sa akin gayong kitang-kita ko kagabi kung paano niya yakapin si ate Nicole?
"H-ha?" Para akong nabingi sa kanyang tanong.
His intimidating eyes bore into mine intensely na napalunok na lamang ako.
He clenched his jaw. "I told you to wait for me there pero pagbalik ko ay wala ka na." Galit ang kanyang tono ngunit kalmado pa rin ang kanyang mukha.
I swallowed hard again. He is really furious. Namumula ang kanyang tenga at iyon ang madalas kong pansin sa kanya pag nagagalit siya simula pa noon.
Well, is it even a big deal? I mean kung iniisip niyang kargo niya ako eh buhay naman akong nakauwi sa bahay. I am even talking to him right now so bakit pa niya kailangang magalit?
"It's because para hindi ka na mahirapang maghatid sa aming dalawa ni–"
"Sinabi ko bang mahihirapan ako?" Tumataas na ang tono ng kanyang boses.
Napayuko ako. Pinipisil-pisil ko na ang aking mga palad dahil sa sobra nitong panginginig. This argument reminds me of what happened three years ago.
"Paano kung may hindi magandang nangyari sa'yo kagabi?"
Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya. Medyo kumalma na siya ngunit pulang-pula pa rin ang kanyang tainga at ang mga mata niya ay seryoso pa ring nakatingin sa akin.
"But I'm here! Walang masamang nangyari sa akin!" Hindi na ako nakapagtimpi.
Tiningnan niya ako ng masama. Walang umimik sa amin ng ilang sandali.
Napagtanto ko ring baka nga sobrang nag-alala siya kagabi dahil hindi ako nagpaalam kaya't ganito siya kung maka-react ngayon.
Suminghap ako. Ako na lang ang magpapakumbaba. "Ok fine. I'm sorry." Nakayuko kong sagot.
Narining kong suminghap din siya. "Huwag mo nang uulitin iyon."
Napatingin ako sa kanya. Alin ang hindi uulitin? Ang hindi pagpapaalam sa kanya?
Natigil ako sa pag-iisip nang nakita kong tumayo siya sa kanyang swivel chair at hinablot ang coat niyang nakasampay dito.
Isinuot niya iyon and damn! Pati ang paraan ng pagsusuot niya nun ay nakakalaglag panga pa rin. Damn boy!
Nag-iwas ako ng tingin. Panigurado kasing pulang-pula ngayon ang aking pisngi dahil ramdam na ramdam ko ang init nito.
"Come with me."
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...