Chapter XXVI

647 15 2
                                    

Chapter XXVI
The wedding

Sabay kaming nagpunta ni Argo sa Palawan. Aniya'y nauna na daw kase ang lahat ng batchmates namin doon noong isang araw at kami na lang ang natira dahil sa trabaho. Isa ako sa mga bridesmaids at isa rin siya sa mga groom's men.

Alas syete ng umaga nang makarating kami sa beach resort kung saan gaganapin ang kasal at 5 pm pa naman ito. Ang nakagiginhawang hangin at malalakas na paghampas ng mga alon sa dalampasigan ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan. Sinikop ko ang buhok kong sumasabog dahil sa hangin at tinitigan ang dagat sa 'di kalayuan. Mataas ang sikat ng araw kaya ang mga ibon sa himpapawid ay malayang nagsisilaparan at tila naging disenyo sa purong asul na kalangitan. Sa aking kaliwa naman ay ang maberdeng kagubatan. Huminga ako ng malalim. Napakapaya ng lugar na ito. Malayo sa nakasanayan kong araw-araw na senaryo sa syudad na usok mula sa mga sasakyan at establisyimento ang una kong nasisilayan sa umaga sa tuwing nagmumuni-muni ako.

"Let's go?" Tanong ni Argo.

Naputol ang pagmumuni-muni ko at nilingon siya.

Tumango ako.

Nagcheck in kami sa hotel ng beach resort at matapos niyon ay nagpahinga muna kami sa aming mga kwarto. Tatlo kaming mga babaeng nasa isang room.

Bago ang kasal ay bonding at kwentuhan muna ang naganap. May mga naligo pa muna sa dagat at ang iba nama'y pinili na lang mag-stay sa kanilang mga hotel rooms para maihanda ang sarili sa kasal. Ako naman ay piniling matulog na lamang at magigising lang tuwing kakain dahil na rin sa sobrang pagod sa biyahe.

Hindi ko na rin nakita si Argo simula nang nagtungo ako sa aming kwarto. Siguro'y magkakasama sila ngayon ng mga batchmates kong lalaki at nagkakasiyahan kung saan.

Ngayon ay inaayusan na kami para sa kasal. Isang kulay rose gold na ruffled off-shoulder gown na medyo fit ang suot ko ngayon na base sa motif ng kasal. Ang buhok ko naman ay nakalugay at kinulot sa ibaba nito. Lahat kaming mga bridesmaids ay may flower crown din.

"Oh my gosh! Ang ganda mo Via!" Manghang-manghang sabi ng isa kong roommate.

"At ang sexy pa!" Dagdag pa ng isa.

"Tss. Huwag niyo nga akong ineechoss!"

Though marami namang nagsasabing maganda ako, lalo na si mommy. Charot.

"Viaaaaa! Bagay sa'yo! Mas lalo kang gumanda!" Papuri na naman ni Amy, ang bride-to-be.

Nakasuot na sa kanya ngayon ang kanyang wedding gown. Bagay na bagay sa kanya ito sapagkat gaya ko ay maputi rin siya kaya't para siyang nagliliwanag sa puting gown.

"Asus! Ikaw 'tong sobrang ganda. Umikot ka nga!" Sabi ko ng naiiyak.

Saksi din kasi ako sa love story ni Gab at Amy. Simula sa pagiging bitter ni Amy sa buhay niya hanggang sa umamin si Gab sa kanya then boom! Sila na pala talaga.

Sinunod niya ang utos ko. Umikot siya at nagmistula siyang isang disney princess dahil sa balloon na gown niya.

"Kung hindi kayo nag-break ni Argo, baka naunahan niyo pa kami." Seryosong sabi ni Amy na hindi ko namalayang nasa aking tabi na pala.

Totoo, nauna kaming naging magkasintahan ni Argo bago sila. Pero sinong mag-aakalang sa ganito hahantong ang unang couple sa batch namin? Buhay nga naman.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon