Chapter II

750 30 6
                                    

Chapter II
Coming home

"6 months nalang, matatapos na ang contract mo." Sabi ni Elliz habang nilalantakan ang fries na niluto niya para sa movie marathon namin.

Natigil ako sa pags-scroll ko sa aking facebook at seryosong tumingin sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. "Oo nga eh. Kung pwede ko lang i-renew ang contract ko..."

"Ha? Why not?" Nagkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Elliz, alam mo namang magagalit na si mommy at daddy 'pag in-extend ko pa ang pags-stay ko dito, 'di ba?" Malumanay kong sagot.

Ngumuso siya. "Tch. Pwede mo naman silang i-persuade eh." Inirapan niya ako.

Nilapag ko ang cellphone ko sa couch at tamad siyang tiningnan. Istorbo naman 'to oh. "Elliz Castro, gusto mo bang sumugod dito ang buong angkan ko at kaladkarin ako pabalik sa Pilipinas? Tsaka isa pa, magiging abusado na ako kung hihingi pa ako ng palugit sa kanila 'no." Mahabang explanation ko sa kanya.

"Ok, ok fine!" Nagtaas pa ng dalawang kamay ang gaga. "Pero alam mo, may kasabihan diyan eh." Nakangising tugon niya.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman?"

"Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." Kinanta pa ng gaga ang last words niya.

Napataas ang kilay ko. "Anong connect nun sa pagbabalik ko sa Pilipinas?" Tanong ko.

Sumubo muna siya ng fries bago sumagot sa tanong ko. Aba at pinaghintay pa talaga ako. "Ganito 'yan, kung gusto mo talagang mag-stay dito, gagawa at gagawa ka ng paraan. Pero kung ayaw mo naman..." Nag-evil smile siya.

"Ano?" Inis na tanong ko.

"Baka...may dahilan ka. Hmmm." In-examin niya ako mula ulo hanggang paa. Ano bang point nito?

Kumunot ulit ang noo ko. "What do you mean?"

"Timothy Argo Javier. Wala ka bang balak gawin? Hmm?"

Timothy Argo Javier

Timothy Argo Javier

Timothy Argo Javier

Paulit-ulit itong nag-vibrate sa utak ko. Kumirot bigla ang puso ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Hindi ako nakapagsalita agad. Parang may kung anong insektong nagbara sa lalamunan ko. Timothy Argo Javier, how are you?

Bumalik lang ako sa aking ulirat nang bahagyang tinapik ni Elliz ang pisngi ko.

"Huy! Ba't ka natulala?" Nang-eechoss na tanong niya.

"Tss." Yun lang ang tanging naisagot ko.

"Ohh! Hindi makapagsalita. I see, affected ka pa rin." Tumango-tango pa siya.

"Pwede ba, Elliz." Mahinahong sabi ko.

"What?" Natatawang tanong niya.

"'Wag mo nga akong ine-echoss diyan. Ikaw nalang yata 'tong 'di pa nakaka-move on eh." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Weh? Sigurado ka bang ako lang? Baka pati ikaw?" Nanunukso ang tono ng boses niya.

Hayss, heto na naman siya sa mga pang-aasar niya sa akin. Lagi niya akong tinatanong kung nakamove-on na ba ako pero iwinawala ko siya lagi sa tanong niya. Hindi ko kase alam kung ano ang isasagot ko. Naka-move on na nga ba ako? Hindi ko alam.

"Ewan ko sayo! Manood na nga lang tayo!"

At tuluyan ko na naman siyang naiwala sa tanong niya.

»•«

Mabilis na lumipas ang panahon ng hindi ko namamalayan. Tinuon ko lang ang sarili ko sa trabaho. Naging workaholic na nga yata ako eh. Ganoon lang ang naging takbo ng buhay ko sa natitirang anim na buwan ko dito sa US. Nagising na lang ako isang araw na babalik na nga ako ng Pilipinas ng tuluyan.

"Palagi pa rin tayong magvi-video call ha?" Naluluhang sabi ni Elliz.

Nasa airport na kami ngayon. Ilang sandali nalang ay aalis na ang eroplano na sasakyan ko.

"Yes we will." Nakangiti kong tugon sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Nag-eemote na naman 'tong pinakamamahal kong kaibigan. Sabagay, mami-miss ko talaga ang kaingayan nito.

"Kung bakit kasi 'di ka nalang mag-stay eh." Humihikbi na siya.

Naks naman! Nakakatouch pala 'pag alam mong may taong makakamiss sa'yo.

"Awww." Pinunasan ko ang luha niya.
"Don't worry, lagi naman kitang tatawagan eh."

"Sus. Baka sobrang busy mo na pagbalik mo sa Pilipinas no! Mamaya makalimutan mo na ako." Nagtatampong sabi niya.

"Wow ha? OA neto. Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Hmm, meron!" Biglang naging masaya ang tono ng pananalita ng gaga. "O sige na nga, lumayas ka na. Baka sakaling magkabalikan pa kayo ni Argo." Panunukso niya.

Here she goes again. Ang hilig hilig niya talagang ipaalala ang mga bagay na halos mawala na sa isip ko. Charot.
"Tss. Kanina lang halos maglupasay ka na diyan dahil sa pag-alis ko ngayon naman kulang nalang ibugaw mo ako?" Panunumbat ko sa kanya with matching taas-kilay pa.

"Ikaw naman oh," Inakbayan niya ako. "syempre sinusulit ko lang ang pang-aasar sayo kase matagal tayong 'di magkikita." Ngiting-asong tugon niya.

Umiling na lang ako.

"Sorry guys, traffic sa daan eh." Si Dominic.

Nag-insist siya last week na ihahatid niya ako dito ngayon sa airport. Pumayag naman ako kaso nagkaroon ng emergency meeting para sa bago nilang project kaya sabi ko sa kanya ay magcocommute nalang kami. Sinabi niyang hahabol nalang siya dahil gusto niyang makita akong umalis kaya heto na nga siya ngayon.

"It's fine. How was it?" Nakangiting tanong ko sa kanya, pertaining to his new project.

"Uhm, okay naman. Magsa-sign na kami ng contract next week." Proud niyang sabi.

"Woah! Congrats ulit idol!" Sumaludo ako sa kanya.

Nagtawanan kaming dalawa.

"Ehe-ehem" Napatingin kami kay Elliz na mukhang nang-eechoss ngayon sa aming dalawa. Tinitigan ko siya ng masama kaya napayuko nalang siya.

"Uy! Elliz andiyan ka pala, hi!" Bati ni Dominic.

"Pano mo ba naman kasi ako mapapansin kung kay Via lagi ang atensyon mo." Umiling-iling siya.

Tumawa nalang si Dominic habang ako ay nanggigigil sa malisyosa kong kaibigan. May balak pa yata siyang gawing awkward ang friendship namin ni Dominic.

"By the way Elliz, open na for boarding yung eroplanong sasakyan mo oh!" Sabi niya, tinuturo ang mga taong makakasabay ko sa biyahe na ngayon ay nakapila na.

"Oh!" Kinuha ko ang bag ko at tumayo na para pumila.

"So pano ba 'yan? Kitakits nalang sa Pinas?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Nabigla ako nang niyakap ako ni Dominic. Ang higpit. "I'll miss you, Via. Stay safe." Bulong niya sa'kin sa gitna ng kanyang pagkakayakap.

"I-I'll miss you too. Thanks." Nauutal kong sagot.

"Uhm...Via, I think you need to go. Konti nalang ang tao oh." Sabat ni Elliz.

Thank God nandiyan siya para bawasan ang awkward na moment na 'to.

Kumalas si Dominic sa pagkakayakap sa akin. Natulala pa ako ng ilang sandali bago tuluyang gumalaw. "I'll see you two around, bye!" At tuluyan na akong umalis.

Bye US, thank you for everything.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon