Chapter VI
Hardworking guyHindi ako nakatulog kinagabihan. Iniisip ko kung papasok ba ako kinabukasan o magbaback-out ako. Ni-require na kasi nung babaeng nag-assist sa akin noon na siyang tumawag kanina na pumasok na ako bukas dahil sa sandamakmak na trabahong na-tengga dahil sa kawalan ng kompanya ng accountant. Nakapag-oo na ako dahil wala akong choice ngunit nag-aalinlangan talaga ako.
Iniisip kong mag-resign kaagad ngunit kung ganoon ang gagawin ko ay baka ma-bad shot pa ako sa ibang kompanya na a-applyan ko dahil sa kawalan ko ng isang salita at tuluyan na akong 'di makuha sa mga trabahong a-applyan ko.
Alas dose na ng umaga ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko.
Kung hindi ako magre-resign agad, lagi kong makikita si Argo sa office and that would be awkward (para sa akin). Pero... ang ganda kasi kung magiging part ako ng kompanya. Marami akong makukuhang benepisyo lalo na sa aking career. Besides, napaka-unprofessional naman kung iiwan ko agad ang trabaho ko ng hindi ko pa napapasukan.
Sabagay, parang wala naman nang pake si Argo sa mga nangyari sa amin 3 years ago. Hmm, tama! Bakit ko pa ba iniisip 'yon? E 'di maiisip niyang affected pa rin ako sa mga bagay bagay. Hindi nga ba? Pero dapat ay hindi ko hinahaluan ng personal issues ang trabaho. I need to show him that I'm not affected anymore, that I've moved on, gaya ng gustong mapatunayan ni Elliz. So, go Via! Kaya mo 'to.
Sa matagal kong pag-iisip ay nakatulog rin ako sa wakas. Ala una na ata nang makatulog ako. Ang resulta, naglalakihang mga eyebags pagkagising ko. Naglagay ako ng makapal concealer para maitago ang mga eyebags ko at light make-up para magmukha akong tao. Buti na lang at nag-alarm ako dahil kung hindi ay late ako sa unang araw ko sa work.
"Oh papasok ka na?" Tanong ni daddy habang sumisimsim ng kape sa aming dining table.
"Yes, dad. Baka ma-late na po ako eh. Traffic pa naman sa daan." Natatarantang sagot ko.
"Iyan lang ang kakainin mo? 'Di ka magbrebreakfast?" Tanong ulit ni daddy, tinuturo ang ginagawa kong ham sandwich.
7:00 am na at 7:30 ang pasok ko. Kahit medyo malapit lang ang office dito sa bahay ay nariyan naman ang mabigat na traffic sa daan lalo na sa mga oras na ito kung saan ay rush hour. Kaya, magbabaon na lang ako ng sandwich para iyon na lang ang kainin ko habang nasa daan. For sure naman ay makakakain ako sa daan dahil na rin sa traffic.
"Opo dad. Don't worry, I'll make two para 'di po ako magka-ulcer." Inunahan ko na si daddy bago pa niya ako sitahin sa breakfast ko.
Umiling si daddy.
"Alis ka na?" Tanong ni mommy na kagagaling lang sa kusina at may dalang scrambled egg.
Nilagay ko sa aking hand bag ang sandwich."Opo my. Bye po!" Hinalikan ko silang dalawa ni dad sa pisngi at half-running na lumabas ng bahay.
"Anak dito ka mag-dinner mamaya ok?" Pasigaw na ang pagkakasabi ni mommy nito dahil nasa labas na ako ng bahay.
"Ok, my!" Sigaw ko pabalik.
»•«
Pagdating ko sa harap ng building ng kompanya ay huminga ako malalim.
Kaya mo 'to, Via. Don't worry, wala na siyang pake sa'yo. You'll be fine working with him.Sinalubong ako nung babaeng nag-assist sa akin noong interview sa lobby. "Ms. Peralta, welcome to your first day in job!" Masayang bati niya sa akin.
"T-thanks ma'am." Naiilang na sagot ko.
Ngumiti siya sa akin. "By the way, I'm Eunice Cervantes. Call me Ma'am Eunice. I'm Mr. Javier's secretary." Pakilala niya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...