Chapter XVI
MineNaging maayos naman ang naging presentation ko sa kabila ng nangyari kanina. Confident kong nasagot lahat ng itinanong nila sa akin tungkol sa aking presentation. Para lang akong nagre-research defense kanina sa sobrang dami nalang tanong but luckily, I survived.
Matapos ng nangyari kanina ay hindi na muling nagsalita pa si Argo. Tutok na tutok lang siya sa screen. Mas gusto ko na iyon kesa iyong sa akin siya nakatingin dahil baka nagkandautal-utal na ako kanina. Kev, on the other hand, siya yung may pinakamaraming tanong kanina sa akin but thankfully, about sa aking presentation na.
"Miss Peralta!"
Palabas na ako ng conference room ngunit dahil sa tawag na iyon ay napatigil ako sa paglalakad.
Nilingon ko kung sino iyon at nagulat ako nang nakitang si Kevin 'yon.
"W-why sir?" Nagtataka kong tanong.
"I'm sorry about what happened a while ago." Sincere niyang sabi.
"It's ok sir." Nakangiti kong tugon.
"By the way I'm Kevin Javier." Iniabot niya ang kanyang kamay.
Javier?
Natulala pa ako ng ilang sandali bago ko inabot din ang kamay ko.
"Via Peralta, sir."
Gusto ko na sanang tanggalin ang kamay ko dahil sa tagal na naming magkahawak-kamay ngunit dahil sa hiya ay hinayaan ko nalang iyon muna. Mabuti na lang at may umubo sa aking likuran dahilan ng pagkalas ko sa aking kamay.
"Let's go now, Kevin." Malamig na utas ng boses sa aking likuran na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Argo.
Nilingon ko siya at nakitang madilim ang titig niya sa akin kaya't napayuko ako. Ano na naman bang nagawa ko?
"Yes couz," Masiglang tugon ni Kevin tsaka bumaling sa akin kaya't nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Via, why don't you come?"
"Saan sir?" Inosente kong tanong.
"We're having a lunch. You should come para makilala pa namin ang newest employee ng company." Masaya niyang sabi.
Nanlaki ang aking mga mata. "Naku sir! Huwag na," Naiilang kong sabi.
Mamaya mapagalitan pa ako ng 'boss' ko.
"Oh come on-"
"She still have many things to do." Seryosong sabi ni Argo.
See?
"Argo, saglit lang naman yung lunch. Perhaps, lunch break na rin naman talaga nila, right Via?"
"H-huh?"
"But she-"
"Let her join our lunch, hijo." Ang lolo ni Argo.
Uh-oh.
Tinapik-tapik niya pa ang balikat ni Argo bago bumaling sa akin. "How are you hija? Long time no see." Nakangiti niyang bati sa akin.
Noong kami pa ni Argo ay medyo close kami ng kanyang lolo. Medyo lang dahil isa siyang sikat na tao kaya't hindi siya basta-bastang nakakausap pero mabait siya.
Ngumiti ako pabalik. "I'm fine, sir. It's nice to see you again po." Medyo awkward na sabi ko.
"Lolo, you know her?" Nagtatakang tanong ni Kevin.
"Of course, hijo." Isang makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan sa aming tatlo lalo na sa amin ni Argo.
Napayuko nalang ako samantalang walang umimik sa kanila.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...