Chapter V
Hired"A-Argo"
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. What the hell?
Bumaling muli siya sa mga dokumento na nasa kanyang desk.
"Have a seat." Pormal na sabi niya, ni hindi man lang naapektuhan sa presensiya ko.
Hindi muna ako gumalaw sa aking kinatatayuan ng ilang segundo. Nang kumalma na ako ay mabagal at nanginginig ang tuhod kong lumapit sa kanya. Umupo ako sa chair na nasa harap ng desk niya.
Abala pa rin siya ngayon sa pagsusuri sa aking mga dokumento. Bakit hindi man lang siya naapektuhan samantalang ako dito ay halos mawalan na ng hininga sa sobrang gulat? Bakit parang isang normal na aplikante lang ako sa paningin niya? Kung sabagay, tatlong taon...tatlong taon na ang nagdaan kaya't siguro ay wala na para sa kanya ang lahat pero bakit parang ako pa itong sobrang naaapektuhan ngayon gayong ako itong nang-iwan? Hmm, maybe I deserve this.
"You are applying as a staff accountant?" Tanong niya, hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Y-yes, sir."
Shit! I can't calm down! Alam kong magkikita at magkikita talaga kami ngayong nandito na ako sa Pinas but I didn't expect na sa ganitong paraan!
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Tell me about yourself." Malamig niyang sabi.
Huminga ako ng malalim. "I am a very hardworking person. I love dealing with numbers and I am fully committed to my job." Tuloy-tuloy kong sabi na halos mawalan na ako ng hininga.
Parang lahat ng prinactice kong sasabihin ko ngayon ay nabura sa isipan ko dahil siya ang narito ngayon.
Right now, I'm torn between messing up with this interview and proving myself. Gusto kong ibagsak itong interview dahil ayokong maging ka-trabaho siya. Hindi ko alam kung affected pa ba ako o ano but I think it's better if we're not on the same environment. It'd just be so awkward (Para sa akin, hindi ko lang alam sa kanya). On the other hand, gusto kong makita niyang worth it lahat ng desisyon ko noon, that I've grown more. I've become a better person.
At this point of my life, I think I'm going to use my pride, I want to prove myself.
Bumaling muli siya sa aking resume. "Ms. Peralta, it is written here in your resume that you worked from a big company overseas," He looked at me with his intimidating eyes at halos hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. "So tell me, why did you decide to work here when you already have a stable job there?" Tanong niyang nagpakabog ng sobra-sobra sa aking dibdib.
Buti na lang at nasa job interview ako habang tinatanong niya iyan kung hindi ay aakalin kong tinatanong niya sa akin kung bakit ako bumalik at kung ano ang dahilan ko in a personal perspective, na para siyang nanunumbat sa akin.
"It's true sir that I have a stable job there but my contract already ended and aside from that, my parents commanded me to go home so I complied. And upon hearing that your company is the number one supplier and producer of car parts in NCR right now, I decided to try my luck to be part of your institution as I believe that my skills and knowledge would be a big help to the company."
»•«
"So anong plano mo ngayon?" Tanong ni Elliz sa akin.
Pagkarating ko sa bahay ay wala sina mommy at daddy at wala akong mapagkwentuhan ng nangyari kanina kaya't ni-video call ko si Elliz. Buti naman at vacant niya sa trabaho kundi ay wala akong mapagsasabihan nito at baka mabaliw pa ako.
Suminghap ako. "I don't know Elliz, ipag-pray nalang nating sana ay hindi ako matanggap sa trabaho." Matamlay kong sabi.
What happened a while ago came back to my mind. Hindi ako nagpatalo sa kanyang mga tanong. I answered them all with confidence kahit na sobra-sobra na ang panginginig ng aking mga kamay at tuhod. Ngayo'y gusto ko nang magsisi kung bakit pinairal ko pa ang pride ko kanina. Pakiramdam ko'y may pag-asa akong matanggap.
"Gaga ka ba? Mag-a-apply apply ka tapos ngayon aayaw-ayaw ka?!" Nahahighblood niyang tanong.
Inirapan ko siya ng bonggang-bongga."Hindi ko naman kasi alam na siya ang may-ari ng kompanya! If I have known earlier..." Sabi ko in a frustrated tone.
Tumawag ako sa kanya para sana gumaan ang kalooban ko at mailabas ko lahat ng pangit na nararamdaman ko pero parang mas lalo pa akong mapepeste nitong hinayupak kong kaibigan.
"Wow Olivia Suzette Peralta, upon hearing 'Javier Group of Companies', hindi man lang ba sumagi sa isip mong kompanya nga nila 'yon? Javier po ang apelyido ng ex-boyfriend mo." Aniya at inirapan din ako.
Oo nga ano?
"Elliz, ang dami naman kasing Javier dito sa Manila! Anong malay kong siya ang Javier doon? Tsaka hindi naman 'yon ang pangalan ng company nila noon eh!" Halos mag-tantrums na ako sa aking higaan.
Totoo, JV Group of Companies ang pangalan noon ng kompanya nila at nasa mababang posisyon lamang siya noon. Sabagay, hahayaan ba ng family niyang manatili siya sa mababang posisyon? Argo also have the talent in managing business though.
"Eh sa siya nga iyong Javier na nasa kompanya eh, may magagawa ka pa ba? Just deal with it girl!"
Napabuntong-hininga ako. "Siguro naman ay hindi ako matatanggap dun. I bet ayaw din akong maka-trabaho ni Argo." This is my last resort. Wala na akong maisip na ibang ideya para huwag na akong mag-alala at mapraning.
"Hellooo? Hibang ka ba 'te? You think ganoon kakipot ang pag-iisip ni Argo? If he saw that you're deserving kahit na may personal issue kayo, why would he not hire you? Tsaka isa pa, you told me na parang wala lang sa kanya yung mga pangyayari kanina. Gosh Via, why are you so bothered?! Napaghahalataan ka tuloy!"
Kumunot ang noo ko. "Na ano?"
"Na affected ka pa rin!" Humagalpak ng tawa ang gaga.
Pasalamat siya at hindi ko siya kasama ngayon dahil kung oo ay baka kanina ko pa nalapnos iyang balat niya sa kakakalmot. Nakakagigil eh!
"Shut up! I'm not affected!" Pagalit kong sabi.
"Uyyy, in denial! Sis, malay mo pinaglalapit talaga kayo ng tadhana." Pang-eechoss niya.
"Tss. Tigil-tigilan mo ako sa mga patutsada mong ganyan Elliz. I repeat, hindi ako affected." Mariin kong sabi.
Humagikgik siya. "Then prove it! Kung matanggap ka man, you need to go. Prove that you're not affected anymore." Aniya na may nakakakilabot na ngisi sa labi.
Tama si Elliz, kung matanggap nga ako (huwag naman sana), I need to show him that like him, I've moved on, na hindi na rin ako affected but...
Lumipas ang ilang araw at naging abala ako sa paghahanap pa ng trabaho. Tawag dito, tawag doon.Alam kong sinabi ko kay Elliz na haharapin ko siya ng buong tapang but I'm just being practical. Malay mo hindi talaga ako matanggap. At least may plan b.
Ngunit isang araw ay may tumawag sa akin. So sobrang tamad ko ay sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Tamad kong sabi sa nasa kabilang linya.
"Is this Via Peralta?" Boses ng babae iyong sumagot at parang pamilyar.
"Yes po. Ano po iyon?" Kuryoso kong tanong.
"Ms. Peralta, this is the secretary of Javier Group of Companies. I just want to inform you that you are hired. Congratulations!"
What the heck!
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...