Chapter XI

623 27 6
                                    

Chapter XI
Motives

Pagkatapos ng aking work ay dumiretso na agad ako sa bahay upang makapag-prepare sa para engagement party.

3 years ko na ring hindi nakikita sa personal ang aking mga high school friends. Ang marami sa kanila ay kasama ko rin sa college gaya nila Gab at Amy kaya naman we built strong friendships.

Pagdating ko sa bar ay natanaw ko agad ang table ng aking mga batch mates.

Tinuro ako ng isa kong kaklase noon kaya't napalingon silang lahat sa kinatatayuan ko. I smiled at them.

"Viaaaa!" Sabay-sabay na tawag nila sa akin saka nag-unahang makalapit sa akin.

Tumawa ako sa kanilang naging reaksiyon.

Sinalubong ko rin sila kaya ang ending, nag-group hug kami sa gitna ng dancefloor.

"Oh my gosh! Kumusta ka na? Mas lalo ka atang nag-bloom ah!" Exaggerated na sabi ni Amy, ang bride-to-be.

Close din kami ni Amy simula highschool hanggang college ngunit hindi kami umabot sa point na mag-bestfriends talaga. Si Elliz ang talagang lagi ko ng kasa-kasama simula pa noon.

"Hay nako Amy, huwag mo na akong bolahin. Ikaw kaya itong nagblo-bloom. Parang kailan lang noong bitter na bitter ka sa buhay mo ah, ngayon ikakasal ka na!" Medyo ma-dramang sabi ko.

"Eh paano ba naman kasi, 3 years kang nawala eh di hindi ka updated sa mga nangyayari!" Si Amy.

"Kung hindi pa nga sinabi ni Argo na nagtatrabaho ka sa kompanya niya, hindi pa namin malalaman na nakauwi ka na." Ani Gab sa isang nanunuksong tono.

Argo? Nandito rin ba siya?

"Guys baka naman gusto nating magpunta na sa table kasi nakakaistorbo na tayo sa mga sumasayaw oh." Sabi ng isa naming batchmate sabay turo sa mga naiiritang tao sa amin sa dancefloor.

Nagtawanan kaming lahat. Nakakaistorbo na nga talaga kami.

Nagtungo na kami sa aming table at doon ay nakita ko si Argo na nakaupo at nakahalukipkip. Siya lang yata ang natira doon kaninang sinalubong nila akong lahat. Ibig sabihin ay siya lang din ang hindi sumalubong sa akin sa pagdating ko. Kung sabagay, lagi naman kaming nagkikita sa office at bakit nga naman niya ako iwe-welcome back?

Bumaling siya sa akin na nakabusangot at tila badtrip. Ni-head-to-foot niya ako kaya nailang ako.


"Bakit ganyan ang suot mo?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin.

"Owwww!" Kantyaw ng lahat.

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam na may natitira pa naman pala siyang pake sa akin.

Tiningnan ko ang suot ko. Naka-bandage lace sheath dress ako ngayon na one inch above the knee. Ano namang mali dito? Disente naman 'to ah.

"W-what's wrong with my dress?" Inosenteng tanong ko.

"Too daring." Masungit niyang sabi.

What? Ngayon niya lang ako kinausap ng hindi formal tapos ito pa ang sasabihin niya. Really, huh?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nalaman kong may pake pa siya sa akin o maiinis dahil ang sungit niya sa akin.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon