Chapter XL

615 19 5
                                    

Chapter XL
Consequences

For every decision we make, there will always be a consequence.

True enough, pushing him to her caused me too much pain. I barely see him in his office. Probably, na kay ate Nicole, tumutulong sa pagpapagaling niya. My officemates were asking me kung saan siya laging nagpupunta at bakit wala siya sa opisina palagi pero wala akong maisagot. Ano ba dapat? Na naroon siya kay ate Nicole pansamantala tapos babalik rin siya sa akin soon? Ganon ba 'yon? I better shut up. Pati sina mommy at daddy ay nagtataka kung bakit hindi masyadong nagpupunta si Argo sa bahay these past days. Pinagtatakpan ko na lamang siya. Ayokong sabihin kina mommy at daddy ang totoong nangyayari. I don't have the enough courage at ayokong baka magalit sila kay Argo dahil ako rin naman ang pumilit sa kanya, ako ang nagsabing mag-compromise kami for the mean time. I didn't thought that my decision is this painful.

Nagco-communicate naman kami pero through text at tawag lang. Kapag nagagawi siya sa office ay saglit lang rin at pareho pa kaming maraming inaasikaso. I'm not mad at him though. I know how hard it is for him. He tries his best to make me feel happy even if we're in a complicated situation. Palagi pa rin siyang nagpapadala ng bulaklak at kung ano-ano pero iba pa rin kapag nariyan siya. Ibang-iba pa rin.

"What are you thinking, baby? Hmm?" He whispered in a soft voice.

He wrapped his hands around my waist.

The cold breeze of the wind made my body cold, our situation made my heart cold.

Here I am in the middle of a cold night, alone and illusioning that Argo's behind me, cuddling and talking to me in a soft voice.

I sighed.

"Hey..."

Napakurap-kurap ako. Totoo ba ito?

Humarap ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita kong nakatayo si Argo sa harap ko, punong-puno ng pag-aalala ang mukha. I caressed his face gently to see if I'm just hallucinating or not.

"Are you really here?" Nangingilid ang luha ko.

He held my hands. He's here!

"Oh my gosh!" I exclaimed.

Mariin kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang baywang at ganoon din siya. The warmth in his body melted the coldness in my heart. It's been three weeks since the last time that we are this close and damn! I missed him so much!

"I'm sorry, baby. Did you miss me?" Marahan niyang bulong sa aking tainga.

"Sobra."

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ang aking baba upang magpantay ang aming tingin.
"I promise, after all this, we're marrying."

Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting nangilid ang mga luha ko. Yes! Let's get fucking married! Hindi ko kaya ito!

"Hush...I'm sorry that you need to experience this. I'm really sorry." Mapupungay na ang kanyang mga mata at bakas doon ang pagod at lungkot niya.

Umiling ako. "It's fine." No, it's not. "How is she?" Pinilit kong huwag maging mapait ang boses ko.

He sighed. "She's getting better, Via." He gave me an assuring smile.

Buti pa siya at nagiging okay na. Because me, I think I'm already developing an emotional stress, too.

We spend the night catching up. Pero sadya yatang madaya ang tadhana dahil kung kailan kasama mo ang taong mahal mo ay mabilis na lumilipas ang panahon. Kulang na kulang iyon upang mailabas ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya. For the first time in my life, hinangad kong huwag na sanang matapos ang gabi dahil alam kong kinabukasan, wala na naman siya sa aking tabi.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon