This will be the last chapter. The next chapter I will be uploading will be the epilogue. Thank you so much for reading! I'm writing another story, hope you'll read it too :)
-----------------------------------------------------------
---------------Chapter XLIII
YES"Anak! Naha-highblood na ako sa'yo! Una, hindi ka nagpaalam na aalis at hindi lang basta hindi nagpaalam, ha? You left us suddenly! And now, malalaman naming one-way ticket ang kinuha mo?! Seriously Olivia Suzette?!"
Napapikit ako sa lakas ng boses ni mommy. Parang nagkalasug-lasog ang eardrums ko sa pag-alingawngaw ng boses niya sa aking tainga. Nasa kalagitnaan ako ng pagjo-jogging at heto si mommy, sinisira ang kapayapaang hatid sa akin ng hanging sumasalubong sa aking mukha habang tumatakbo.
It's been three weeks since I left the Philippines for US again. It's just so funny because I thought I'll never go back here again but here I am, trying to find peace in my heart.
"Mom, calm down, please. Hindi naman po porket one-way ang kinuha ko ay hindi na ako babalik riyan." Kalmado kong sabi.
Yes. Hindi na ito gaya noon na inabot ako ng taon. I just really need some time to think. Besides, may trabaho pa akong kailangan kong ayusin. Ginamit ko na ang leave ko sa buong taon para rito. I just hope that as soon as possible, maaayos na ang mga turnilyo sa aking utak.
"Now, you're telling me to calm down? My goodness, Olivia! Kung ano man ang problema niyo ni Argo, pag-usapan niyo iyan ng maayos! Hindi iyong tumatakas ka! He's been here almost everyday para lang makibalita sa iyo! Maawa ka naman sa tao!"
Maawa? Hmm.
"I'm really sorry for causing trouble again, mom. Hayaan niyo po muna ako. Sige na po, love you."
Napapikit muli ako. Problems, problems. Maybe I'm a coward right now who chose to leave everything behind instead of facing it. I really just don't know how to face the pain yet.
Naupo ako sa isa sa mga benches sa park kung saan ako nagjo-jogging. Nagpunas ako ng mukha dahil pawisan ako. I breathed heavily as I watched the people around me. Some were busy jogging while some are sitting in the benches just like me. Ang iba ay couples pa na walang hiya-hiyang naglalampungan. Sabagay, this is a liberated country. Kung sa Pinas ito...
Then suddenly, pain crept me. For the weeks that I stayed here, I realized that this decision is really too impulsive. I didn't give him a chance to explain. I just left him without him knowing the reason why. I wonder, may babalikan pa kaya ako sa Pinas? Baka sa sobrang childish ko ay nagsawa na siya sa akin. My heart ached at that thought. I love him so much na kahit hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyari ay nalulusaw na ang galit ko sa kanya. I want to ask for his forgiveness when I return but I don't know why. What if pagbalik ko ay na-realize niya na na si ate Nicole ang gusto niya?
I didn't notice I was hardly crying because of my thoughts. Yumuko ako upang itago ang basang-basa kong mukha dahil baka isipin nilang baliw na ako rito. Dahan-dahan kong pinalis gamit ng aking mga palad ang mga luha ko ngunit useless iyon dahil tuloy-tuloy ang pagbuhos nito.
Natigilan ako nang may puting panyong sumulpot sa aking harapan pagkadilat ko ng aking mata. Nakayuko pa rin ako ngayon. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kung sino mang nag-magandang loob na bigyan ako ng panyo. Masyado na yata akong naghahalucinnate dahil si Argo ang nakikita kong nag-abot nun, igiting ang panga, seryoso ang mukha ngunit mapupungay ang mata.
Do I really miss him badly na kahit dito ay nakikita ko siya? Tinitigan ko ng matagal ang mukha ng taong iyon na ngayo'y na-iimagine kong si Argo. I want to memorize every part of him dahil pakiramdam ko'y ang tagal na naming hindi nagkita. Sana ay hindi na ako magising sa imahinasyon kong ito.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
Storie d'amoreVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...