Chapter XXV

658 17 3
                                    

Chapter XXV
My first

Pagdating namin sa restaurant ni Argo ay nakita kong halos occupied naming mga employees ang buong lugar. Apat na tables na mahahaba ang na-occupy nila.

"Uy nandyan na sila!" Sigaw ng isa sa mga officemate ko.

"Guys let's all welcome the newly weds. Ay este si sir Argo at Via pala." Pang-aasar ng isa pa.

Damn! Sa sobrang kahihiyan ay napayuko nalang ako. Akala ko ba ay boto silang lahat kay ate Nicole? Anong nangyari?

"Tss. Bakit mukha kang guilty? They were just joking." Natatawang bulong ni Argo.

Tiningnan ko na lang siya ng masama. Bakit parang mas napahiya pa ako dahil sa sinabi niya? 'They were just joking'

"Via, Sir Argo, dito kayo!" Malakas na sigaw ni Abby sa amin habang inaaya kami sa kanilang table.

Iniwan ko doon si Argo na ngayon ay natatawa pa din. Sumunod din siya sa akin. Pagkarating ko sa table nila Abby ay nakita ko ang dalawang bakanteng upuan na magkatabi na halatang ini-reserve nila para sa amin.

Tumunganga lang ako sa harap ng upuan.

"Kayo ang magkasamang dumating eh kaya dapat kayo rin ang magkatabi." Nakangising sabi ni Abby.

Umirap na lang ako saka umupo doon.

Pagdating ng in-order na pagkain ay halos maglaway na ako dahil sa sobrang sarap ng mga ito sa itsura palang.

Seafoods.

Nang kumukuha ako ng pagkain ay nagulat ako nang lagyan ni Argo ng sinigang na hipon ang aking plato.

Maging ang lahat ng mga nasa table ay natahimik at natigilan nang makita ang ginawa ni Argo.

Nang napansin ni Argo na tumigil ako sa pagkuha ng pagkain ay hinarap niya ako. "Why? Favorite mo 'to 'di ba?" Nakangising tanong niya.

Tumingin ako sa kanila at nakita kong nagsilaglagan ang kanilang mga panga. What's this Argo?!

"A-ah, s-sir, pano mo nalamang favorite ni Via iyan? M-matagal na ba kayong magkakilala?" Nauutal na tanong ni Abby na nasa mismong harapan ko.

"Yup." He said nonchalantly saka niya ibinaba ang bowl na hawak niya.

Muli ay nagsilaglagan na naman ang panga nilang lahat. Parang masasali na sa kakainin nila ang mga panga nila mamaya.

"Since when sir?" Tanong naman ng isa kong ka-trabaho.

Tiningnan niya muna ako at ngumisi ng nakakakilabot. "High school."

"Woahhhh!" Sabay-sabay nilang sabi.

Maging ang mga nasa ibang table ay napatingin na rin sa amin.

"Grabe ka Via ah! 'Di ka man lang nagsasabi, matagal mo na palang kakilala si sir!" Sabi nung isang ka-trabaho kong babae na may gusto kay Argo.

Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. Yung ngiting natatae.

"Why are you saying these?" Pabulong kong sabi kay Argo.

"What? Bawal bang sabihing magkakilala na tayo dati pa?" Nakangisi niyang bulong.

"Oy oy oy! Ano 'yan? Share share naman diyan oh!" Tukso ni Abby.

Konti na lang talaga at makakalmot ko na 'to eh.

"Eh sir ba't parang 'di kayo masyadong nagpapansinan ni Via?" Tanong ng isa pa.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Yumuko na lang ako. Si Argo naman ay hindi nakaimik. Narinig ko namang tumikhim si Abby.

Nang napansin nilang hindi sumagot si Argo ay nagtanong pa sila. Mukha yatang hindi na nila kami tatantanan. "Paano kayo nagkakilala sir? Schoolmates?" Tanong naman ni ma'am Eunice tsaka tumingin sa akin ng isang makahulugang titig.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon