Chapter XIV
Third Wheel"Come with me."
Nanlaki ang mga mata ko.
"H-ha?" Gulat na tanong ko.
"You need to check the new deliveries for this month so kailangan mong sumama sa akin sa warehouse." Seryosong tugon niya saka tuluyang lumabas na.
Naiwan akong tulala doon. So makakasama ko na naman siya kung ganoon? Another moment of awkwardness, I guess.
Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako na lagi kaming napaglalapit ng tadhana o maiinis na dahil ipinangako ko sa sarili ko na hahayaan ko na siya sa kung saan siya masaya, sa piling ni ate Nicole.
»•«
"Wear this." Iniabot ni Argo sa akin ang isang yellow hard hat.
Tatlumpung minuto ang itinagal ng biyahe papunta dito sa kanilang warehouse. Buong biyahe ay nag-uusap naman kami ng puro about sa work. Ano nga naman ba ang iba naming pwedeng pag-usapan, 'di ba? Past? No thanks. Mas gugustuhin ko na lang tumahimik kung ganoon.
Kinuha ko mula sa kanya ito. "Thanks." Sabi ko at isinuot na ito sa aking ulo.
Iginala ko ang aking paningin sa loob. Buti na lang at may ilaw sa buong warehouse kundi ay paniguradong madilim dito kahit na tirik na tirik pa ang araw. Maluwang ito ngunit maalikabok at maraming sapot kaya't napapatakip ako sa aking ilong. Buti na lang pala at wala akong asthma.
"Good morning sir," Bati ng isang lalaking sa tingin ko'y mas bata lang sa akin ng kaunti.
"Patrick, nasaan yung mga bagong deliveries?" Seryosong tanong ni Argo.
Hindi man lang bumati pabalik. Tsk.
"Nandun po sa dulong part ng warehouse. Samahan ko na po kayo." Sabi niya habang iginigiya kami sa siguro'y papunta sa kanyang sinabi.
Habang naglalakad kami ay panay ang gala ng aking paningin sa buong lugar hanggang sa matalisod ako.
"Shit!"
Bago pa ako matumba ng tuluyan ay may humawak na sa aking baywang ng mahigpit, hindi hinahayaang bumagsak ako sa sahig.
Patalikod ang aking dapat na pagkakatumba kaya't napapikit ako ngunit buti na lamang at may sumalo sa akin.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang seryosong mukha ni Argo na ilang metro na lang ang layo sa aking mukha.
Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan dahil sa pagkakahawak niya sa aking baywang. Sa sobrang lapit ng aming mga mukha ay kitang-kita ko na ang mga mapupula niyang labi. It's been years since the last time we kissed. Oh shit what am I thinking?
"What are you doing? Muntik ka ng mabagok!" Ramdam ko ang galit sa kanyang boses. Kung mayroon mang iba ay hindi ko na pinansin dahil imposible iyon.
Napabalikwas ako sa kanyang mga bisig. "Sorry," Nakayuko at nahihiyang sabi ko.
Narinig ko ang mabigat niyang paghinga kaya't nilingon ko siya.
He is clenching his jaw and his eyes were dark. Ginalit ko na naman yata? Kailangan ba talagang lagi siyang galit kapag may nagawa akong hindi niya gusto? Damn!
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...