Chapter XIX
CruelNagising ako parang pumipitik-pitik ang mga ugat sa aking ulo dahil sa sobrang sakit nito.
Then I remembered everything that happened last night.
"No, Via. No."
"No, Via. No."
"No, Via. No."
Akala ko ay kasabay ng pagkawala ng aking pagkakalasing ay ang paglimot ko na rin sa mga nangyari kagabi ngunit mali ako. Siguro ay dahil kahit lasing ako kagabi, alam ko ang aking mga sinasabi at hindi lang iyon dala ng aking kalasingan. Well, baka hindi ko pa iyon nakakalimutan dahil tulad ng pagkalasing ay may hangover pa ako ngayon?
I remembered his cold eyes and his cold words.
May luhang pumatak mula sa aking mga mata. He already decided so how long will it take for me to move on? It freaking hurts but I can't blame him. I deserved it. Makapal na ang mukha kong nagsabing balikan niya ako. I know. Ngayon, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Paano ako makapagtratrabaho ng maayos. But, I don't regret telling him how I feel. At least he knew. Pakapalan na ito ng mukha.
Now, the right thing to do is to respect his decision. To be happy for him even when I don't belong to his happiness anymore.
Napabalikwas ako sa aking higaan nang mapagtantong nasa sarili ko na akong kwarto. How the hell did I get here?
Ang huli kong natatandaan ay nawalan ako ng malay. Paano nangyari 'yun?
Bumangon ako sa aking higaan at dali -daling lumabas ng aking kwarto upang tanungin sa sino man sa bahay kung paano ako nakauwi.
Sinundo ba nila ako?
"Mommy!" Tawag ko kay mommy nang makita siyang pababa na ng hagdan.
"Oh! Buti naman at gising ka na. Mag-ayos ka na ng sarili mo," Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan niya.
"P-pano po ako nakauwi kagabi?" Nagtataka kong tanong.
"If you want to know who brought you here last night, magbihis ka na dahil naghihintay na siya sa baba."
"What?"
Dali-dali na akong bumaba ng hagdan. Hindi ko na inisip pa kung ano ang itsura kong bumangon dahil sa sobrang curiosity ko. Basta ang alam ko ay maganda ako. Charot.
Pagdating ko sa ikahuling baitang ng hagdan ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang lalaking nakaupo sa aming sofa na marahil ay siyang tinutukoy ni mommy na naghatid sa akin dito sa bahay kagabi.
"D-Dominic?"
Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. "Good morning!"
Litong-lito akong lumapit sa kanya.
"P-pano...""Aren't you glad to see me?" Nakangisi niyang tanong, his brows were shut up.
He extended his arms, initiating a hug.
Napatulala pa ako ng ilang segundo. Am I really seeing a person who's with me in US right now?
"O-of course I am!" Pambawi ko. "B-but how did you know na dito ako nakatira? Perhaps ikaw ba ang naghatid sa akin dito? Paano mo nalamang nasa bar ako kagabi?" Sunod-sunod kong tanong.
"Woah, woah! Easy." Tumawa siya at ang mga kamay niya kaninang nag-aabang ng isang yakap ay iminumuwestra niyang parang sumusuko.
Tumawa din ako nang na-realize na imbes na i-welcome ko siya ay pinaulanan ko pa siya ng mga tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/179283198-288-k718264.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...