Warning: SPG. Hehe.
------------------------------------------------------------------------------------------Chapter XXXIII
Catch Up
Pagkasakay ko ay pinilit kong matulog. Thanks for the alcohol at hindi naman ako nahirapang matulog. I'd rather sleep than talk with Argo.
Kinaumagahan pagkagising ko'y sobrang sakit ng ulo ko at pumipintig-pintig pa ito. But I won't regret drinking last night. It helped me a lot.
Nang idilat ko ang aking mga mata ay napagtanto kong nasa ibang kwarto ako. Agad akong napabalikwas sa higaan.
Tatayo na sana ako nang sakto namang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Argo. He's holding a tray of food. He's wearing a six-pocket shorts and a black sleeveless shirt.
"Good morning." Napapaos niyang sabi.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Memories from last night popped up on my mind. I don't know if I'd be shy around him or what. Sabagay ay hindi ko naman isinatinig kagabi na nagseselos ako sa kanila ni ate Nicole.
"Where am I?" Mataray kong sabi.
Inilapag niya ang tray sa table sa gilid ng kama.
He looked at me and I immediately looked away. I can't stand staring back at him.
"In my condo." Sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "What? Bakit hindi mo ako iniuwi sa bahay?! I'm gonna call mommy!"
Bago pa man ako makatayo ay hinila na niya ang braso ko kaya napaupo ulit ako.
"Ano ba?!"
Umupo rin siya sa kama at hinarap ako. Nag-igting ang kanyang panga pero hindi ako nagpatinag sa pakikipagtitigan sa kanya.
"I called tita last night. I asked her if you can sleep here. Pumayag siya." He said with a smug look on his face.
Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa narinig. "What?! Why would she let me be with you?!"
Tinulak ko siya ngunit hindi siya natinag.
"I told her that you're drunk." He said nonchalantly.
"Porket lasing ako, hindi na ako pwedeng matulog sa bahay, ganon ba 'yon?"
"I also told tita that we have a slight misunderstanding kaya gusto kitang makausap pagkagising mo, she immediately agreed." A playful smile rose out if his lips even though he's trying to stop it.
Slight?!
Agad kumunot ang aking noo. Bakit kailangang dito ako matulog kung gusto niya akong makausap? Hindi ba pwedeng magpunta siya sa bahay at talagang ako pa ang nag-adjust?! Sabagay, 'pag magpupunta siya ngayon sa bahay kung saka-sakali ay hinding hindi ko siya haharapin. Mautak din.
"Eat your breakfast miss, we'll gonna catch up." Nakangisi niyang sabi tsaka umambang lalabas ng kwarto.
"And who told you that I'm going to agree? May pasok ngayon baka nakakalimutan mo, Mr. Javier!"
![](https://img.wattpad.com/cover/179283198-288-k718264.jpg)
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...