Chapter XXXVIII

577 13 2
                                    

Chapter XXXVIII
Sick

"What? Gaga ba siya?!" Naghihisteryang sabi ni Elliz.

"Shh, baka magising sila sa lakas ng boses mo." Inirapan ko ang kaibigan kong napabangon mula sa pagkakahiga.

Pinakiusapan ko siyang dito muna sa aking kwarto matulog dahil may iku-kwento ako sa kanya.

Umirap lang siya.

"Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging desperada ng babaeng iyon 'no? Alam naman na simula pa lang noon, ikaw na ang mahal ni Argo, e!"

Huminga na lang ako ng malalim. Hindi ko na talaga siya mapapakalma.

"Hayaan na natin, babae din siya kaya intindihin nalang natin." Mahinahon kong sabi.

"Sis, ano 'to? Martyr ka na ba?" Sarkastiko niyang tanong.

Sinipat ko siya ng tingin. "Hindi naman sa ganon. Ang point ko lang is that hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya, Elliz. I-respeto nalang natin. Besides, hindi naman ako pumayag."

"I-respeto? Nirespeto ka ba niya noong nagmakaawa siyang ibigay nalang sa kanya si Argo?" Nakataas na ang isa niyang kilay.

Ngumuso nalang ako. Hindi na siya magpapatalo sa argumentong ito sa tingin ko.

Huminga siya ng malalim. "Hay basta sis, kapag iyan nanggulo sa inyo, ako na mismo ang kakatay sa kanya."

Nakatulog ako dahil na rin sa pagod ng aking katawan at isipan. Kinabukasan ay wala si Argo sa opisina dahil may meeting ito kasama ang mga ibang kompanya. Nagkasundo kaming uuwi ako sa condo niya mamaya dahil sabay kaming magdidinner. Sabi niya'y hindi kami magkakasama maghapon kaya't magdamag nalang daw. Tss, corny.

Kaya naman, nagprisinta akong ako ang magluluto ng dinner namin. Mabuti na lang talaga at kahit papaano'y marunong naman akong magluto.

"Sis, baka bukas pag-uwi mo dito, may laman na iyang tiyan mo ha?" Si Elliz na nanunukso na naman sa kabilang linya.

Uminit ang aking pisngi.

"Tigil-tigilan mo ako diyan ha!" Sigaw ko.

Heto ako at abala sa pag-aayos ng mga kubyertos tapos ay isinisingit niya ang mga bagay na iyan. Naisip ko tuloy kung mauulit iyon, masakit pa rin kaya? What the fuck, Via?

Humagalpak sa tawa si Elliz at umalingawngaw iyon sa buong kusina kahit nasa kabilang linya lang naman siya. Damn it! Nababasa niya ba ang mga iniisip ko? Nakakahiya!

"Oh sige na, hindi na kita iistorbohin. Magpaganda ka diyan ha? Hindi lang iyang mga niluto mo ang ihahain, pati ikaw!"

Sasabat pa sana ako ngunit pinatay niya na ang tawag. Umirap na lang ako sa kawalan. Bakit ba ang dumi-dumi ng isip ng bestfriend ko?

Nang matapos ako sa pagsi-set ng table ay tumingala ako sa orasan at nakitang thirty minutes nalang ay uuwi na si Argo. Alas sais na at ang sabi niya'y 6:30 siya makakarating dito.

Nagtungo ako sa salamin sa sala at nakitang haggard na ang mukha ko. Kung totoo man ang sinasabi ni Elliz - fuck! Sino mang makakabasa ng nasa utak ko ngayon ay mandidiri gosh!

Nagtungo ako sa banyo ng kanyang kwarto upang maligo ulit, isinasantabi ang mga masasamang ideya sa aking isip. I need to freshen up, tama! Sakto ay wala pa siya.

Ngunit pagkatapos kong mag-shower ay wala pa siya. Tiningala kong muli ang orasan at nakitang 6:30 na ng gabi. Nagkibit-balikat na lang ako dahil baka na-traffic.

7:30 pm, wala pa ring Argo na nagpapakita. Sumibol ang kaba sa aking dibdib. Paulit-ulit kong sinusulyapan ang pintuan mula sa kusina pero walang Argo na pumasok galing doon. Noong una'y nag-aalinlangan pa akong tawagan siya dahil baka nasa work siya ngunit nang mag alas otso na'y napagdesisyunan ko na siyang tawagan. What the hell is happening?

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon