Chapter XXXII

562 15 4
                                    

Chapter XXXII
Jealous

Sobrang saya ng kinalabasan ng outing namin. Nakakataba ng puso ang makitang ang mga nakatutok sa desktop maghapon na mga empleyado ay naging masaya kahit dalawang araw lang.

Matapos ang nangyari sa dagat ay mas lalo lamang kaming naging attached sa isa't isa ni Argo. Pero hindi pa rin malinaw para sa akin kung ano o sino ba talaga. Dominic also kept on being sweet to me. Nakakalito.

Nang mag-lunes muli ay back to normal ang lahat. Habang abala ako sa  trabaho ay pumasok si Abby sa opisina ko para magdala ng balitang  ikinasira ng araw ko.

"Ate!"

"What?" Tanong ko.

Inginuso niya ang direksiyon ng office ni Argo at nakita ko si ate Nicole na papasok doon. Parang kinukurot ang puso ko sa nakita. Para bang sa lahat ng ipinakita ni Argo sa akin, naburang lahat nang makita ulit sila ni ate Nicole.

Dahil nakataas ang blinds ni Argo sa kanyang office ay kita ko kung paano niya sinalubong si ate Nicole. They hugged each other tightly and the next thing I new, she closed the blinds of his office.

"Shit!" Malutong na mura ni Abby.

Nanatili akong tulala sa kanyang office. I don't know what to say, what to do. Am I jealous?

"A-ate, we all know here na ikaw ang mahal ni sir. Baka friendly talk 'yan." Pang-alu ni Abby.

Ngumiti ako sa kanya ng peke. Ayokong makita niyang nagseselos nga ako dahil wala naman kaming label ni Argo pero damn, I'm...jealous.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay inaya ko sa bar si Abby after work. Idinahilan kong stress ako sa trabaho kaya't gusto kong magpakasaya. Pumayag naman siya, siguro'y may alam din siya sa pinagdadaanan ko ngunit bahala na.

Pagpasok namin sa loob ng bar ay sumalubong agad sa aking pang- amoy ang pinaghalong alak at usok ng sigarilyo. Napatakip ako sa aking ilong. Ayaw na ayaw ko talaga sa amoy ng mga iyan.

Naglakad kami papunta sa pinakagilid na parte ng bar para doon maupo.Kahit papaano man lang sana ay maluwag ang paghinga namin.

Habang papunta kami doon ay nagsisisipol ang mga lalaking nadadaanan namin sa dancefloor. Dahil na rin siguro sa suot namin ni Abby pero napagtanto kong medyo disente pa rin naman iyon. I'm wearing a black v-neck sleeveless dress while abby is wearing a bodycon dress. Perverts.

Nag-order agad ako ng maiinom. Sumulyap ako sa kabuuan ng bar at wala pang masyadong tao rito dahil na rin siguro maaga pa kaming nagpunta.

"Here's your order ma'am."

Nilapag ng waiter ang mga order naming alak.

"Thanks." Nakangiti kong sabi.

"Ate, ang dami mo namang order, baka malasing ka ng sobra niyan. May trabaho pa tayo bukas," Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Abby.

"Tss. We're here to relax alright? 'Wag mo munang isipin iyon. Kaya natin 'to." I filled my shotglass and raised it after. "Tara shot!" Aya ko kay Abby.

Nilagok ko iyon ng minsanan
Ramdam ko ang tapang nito sa aking lalamunan. Napapikit ako.

Bumaling ako kay Abby na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Umiling lamang siya tsaka nagsalin din ng alak at saka ininom. Bibigay din naman pala, e.

Bad influence na kung bad influence pero ngayon lamang ito. I just need a company at times like this. Damn you Argo! Akala ko ba wala kayong something ni ate Nicole? Fuck you!

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon