May mga simpleng bagay na hindi ako kumportableng gawin. Tulad na lang ng pag-upo sa pinakaharap kung saan lahat ng mata ng mga taong nasa likod e nakatingin sakin, lagi kang titignan ng teacher mo sa mata sabay magtatanong. Kaya ko naman syang sagutin, ayaw ko lang. Hindi din ako mahilig makipag-usap sa mga kaklase kong babae. Wala silang bukambibig kundi make-up, boyfriend, mga girlfriend ng crush nilang hindi sila pinapansin at kung anu- ano pa. Ako na lang ba ang taong may pakialam sa paghanap ng solusyon sa nararanasang kagutuman ng mga tao sa Africa? Paghanap ng cure sa cancer at alamin kung ano ang G string?
Hindi din ako popular sa mga lalaki. Ayaw ko sa kanila. Ewan ko ayaw ko lang, kelangan ko ba ng dahilan para ayawan ang isang bagay? Isa pa hindi din naman nila ako napapansin, nerd daw kasi. Hindi ako kumportableng walang salamin sa mga mata ko. Parang matatandang walang pustiso, mga kabataang may bangs para takpan ang malalapad na nood at mga babaeng ice cream ang sandigan pag broken hearted.
Ako si Danica. Simpleng babae lang ako. Walang social life. Zero ang love life. Bored sa school.Tatlong bagay lang ang alam kong gawin, obserbahan ang mga It Girls, laitin sa paraang alam ko ang mga jocks ng school at pagpantasyahan ang Chemistry Teacher ko.
BINABASA MO ANG
True Confessions of a Four-Eyed Nerd
RomanceWallflower. Loner. Emo. Anti-Social. Lahat ng alam mong tawag sa taong laging nasa sulok ng klasrum, naka-upo at walang kausap. Naglalakad sa corridor mag-isa at kumakain ng lunch sa loob ng cubicle sabihin mo na. Ako si Danica. Hindi mo ko kilala...