Chapter 3
“Human Toy”***
Ang saya ko, sobra. I found a bike inside the basement when I went there and now, hindi ko na kakailanganin pang maglakad everytime na papasok ako sa school. What a lucky day to start.
Nag-handa na ako sa papasok. I don’t want my Lolo to be disappointed in me so kahit ayaw kong pumasok, I still need to go school. Paniguradong sasakit na naman ang ulo niya once he finds out na hindi ako pumapasok just like what I used to do before.
Hindi na ako nag-abalang kumain ng breakfast since hindi naman ako marunong magluto. Ayaw ko nang kumain ng noodles. Nakakasawa na.
Masaya akong nag-pedal habang nakasakay sa bisikleta ko. Marunong naman akong mag-bisikleta dahil natuto ako noong bata pa lamang ako. Mabagal lang sa una hanggang sa binilisan ko. Ang 10 minutes na paglalakad bago makarating sa school ay naging 5 minutes na. Mabilis akong nakarating at hindi na ako late! Sigurado akong matutuwa ‘yong guard sa akin.
“Ka-babae mong tao, nagbibisikleta ka?!”
Pinark ko ang bisikleta sa tabi ng guard na nakatingin sa akin ng masama. Inirapan ko lang siya at pumasok na sa gate.
“Bantayan mo yan, ha.” Sabi ko sa kanya. Naglakad na agad ako nang akma niya akong papaluin ng hawak niyang tubo.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa pathway nang may biglang humarang sa akin. Isang lakaki. Bahagya pa akong napatingala dahil sa katangkaran niya. Una kong napansin ang buhok niyang kulay pula at gulong gulo na natatamaan ng sikat ng araw. Sunod kong tinignan ang mukha niya. Ang talas namang tumingin ng lalaking ‘to. Para siyang mangangain ng tao dahil sa talim ng tingin niya sa akin.
Ako na ang nag-kusang gumilid at nagpatuloy sa paglalakad pero hinablot niya ang kanang pulsuhan ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Biglang uminit ang ulo ko at napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong hinahawakan ako ng kung sino lang. Ang kapal naman ng pagmumukha ng lalaking ‘to.
“Paki-tanggal ‘yang kamay mo sa pulsuhan ko.” Sabi ko. Pero mas lalo akong nainis nang titigan lang niya ako gamit ang matalim niyang tingin. Bahagya akong napangiwi nang humigpit ang hawak niya sa akin. Babaliin ba ng buwisit na lalaking ‘to ang kamay ko?
Tinignan ko siya nang masama nang sa wakas ay bitawan niya ako. Magsasalita sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at may idinikit doon. Nang tignan ko ‘yon ay isang pulang tattoo na hugis cross. Maliit lang iyon pero kapansin-pansin pa rin.
“Gago ka, ah! Sino ka ba?!” Sigaw ko sa pagmumukha niya pero hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya. Nananatili itong walang emosyong nakatingin sa akin. Napahakbang ako paatras nang bigla siyang yumuko at nilapit ang bibig sa tenga ko.
“Good luck.”
Ngumisi siya at naglakad na palayo. Muli akong napatingin sa bagay na nakadikit sa kamay ko at napamura nalang dahil sa inis.
———
Halos magkasugat na ang kamay ko sa ginagawa kong pagkuskos dito pero hindi pa rin nawawala ang pesteng tattoo na nilagay ng pesteng lalaking iyon.
“Buwisit ka!” Naiinis na sigaw ko at hindi pa rin tinigilan ang pagtanggal sa tattoo. Pulang pula na ang kamay ko pero wala akong pakialam.
“Hindi iyan mabubura nang basta-basta. You have to wait for two days bago mawala ‘yan.”
Tumabi sa akin ang babaeng nagsalita at humarap sa salamin. Tinigilan ko na ang ginagawa kong pagkuskos sa kamay ko at pinunasan iyon gamit ang tissue.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...