Chapter 16
8:30 ng umaga nang lumabas ako ng bahay. Hindi ako pumasok dahil tinatamad ako. Pabor naman yun kay Yuna dahil makakapagpahinga na raw ako. Psh. Hindi naman ako tatambay sa bahay dahil mabobored lang ako. Akala ng babaeng yun ay dito lang ako sa bahay buong araw.
Kumatok ako ng isang beses sa bahay ni Lola at diretsong pumasok. Nakita ko siyang may hawak na walis at mukhang naglilinis ng bahay. Nang makita niya ako ay napangiti siya. Matagal ko na pala siyang hindi nabibista dito.
"Yuri apo! Mabuti at naparito ka!" Tuwang-tuwang sabi niya at niyakap ako.
"Sorry po, may nangyari lang kasi."
Umiwas ako ng tingin nang makita kong nakatingin siya sa mga pasa ko. Sigurado akong magtatanong siya kung saan ko ito nakuha kaya ako na ang umiwas at naglakad paupo sa isang upuan.
"Hindi kayo magtitinda ngayon?"
"Sino ang may gawa niyan sayo, apo?"
Tsk. Sabi na nga ba eh. Kailangan ko pabang sagutin? At ano naman ang isasagot ko? Na may kumidnap sa akin at binugbog ako ganun? Hays.
"May nantrip lang po sa akin." Bagot na sagot ko para ipakitang hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa mga pasa ko.
Mukhang nahalata naman niya kaya hindi na siya nagtanong.
"Oh siya, aalis na ako."
Nakaupo pa rin ako habang kinukuha niya ang mga paninda niya. Gusto ko sanang sumama pero sigurado naman akong aayaw na naman siya katulad nung una. Pinapanood ko siya habang binubuhat niya ang mabigat na sako. Mukhang sanay na siya sa bigat nito kaya hindi na siya nahihirapan. Umalis na siya kaya naiwan akong mag isa.
"Akala ko pa naman may makakasama ko ngayon." Bulong ko sa sarili ko.
---
Sa kabila ng magagandang bahay na nakahilera sa highway ng Forest Town ay hindi maitatagong napapalibutan pa rin ito ng kagubatan. Naglalakihan at nagtataasang mga puno at mayayabong na mga dahon, madilim na paligid at nakakatindig balahibong lamig. Wala akong ideya kung bakit ako napunta dito. Hindi ko rin naman kasi alam na kapag nakalayo ka na sa mga bahay ay matatagpuan mo ang madilim na kagubatan.
Naglalakad lang ako kanina at naisipan kong pasukin ang Forbidden Forest ayun sa nakasulat sa signboard. At dahil bored ako, ito ako ngayon, nakaharap sa madilim na kagubatan. Alam kong umaga palang pero mukhang hindi tumatagos ang sinag ng araw dito. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng galak ngayong nasa ganitong lugar ako. Ano kaya meron sa gubat na 'to? May mga engkanto kaya? Mga mababangis na hayop? O mga ligaw na kaluluwa?
Nagsimula akong maglakad at lumilikha ng ingay ang bawat apak ko sa lupa dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Sinubukan kong sumigaw at napangiti ako nang mag echo ang boses ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala akong pakialam kung maligaw man ako o may biglang sumugod na hayop sa akin, I'm not scared and as if naman maligaw ako.
Napatigil ako sa paglalakad nang may kakaiba akong narinig. Parang agos ng tubig--what? Paanong may tubig sa gitna ng kagubatan? Sinundan ko ang naririnig ko at nang makita ko kung ano ino, literal na nanlaki ang mga mata ko.
"Amazing." Bulong ko sa sarili ko at mas lumapit pa sa ilog. Yes, it was a river. A wonderful river, rather. Ang linaw ng tubig at kumikinang pa ito dahil sa maliliit na sinag ng araw na tumatagos sa mga puno. Umupo ako at binasa ang kamay ko, ang lamig. Wala sa sariling napangiti ako. Tignan mo nga naman, sino ang mag-aakalang may secret river pala sa gitna ng kagubatan na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/185156381-288-k7797.jpg)
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mistério / SuspenseYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...