08 : Who Are You

1.5K 58 0
                                    

CHAPTER 08
“Who Are You?”

***

Kinabukasan ay nagkumpulan ang mga estudyente sa gitna ng quadrangle. Sa gitna ng quadrangle ay ang malaking puno at sa puno na iyon, nakatali ang isang lalaking hinang-hina at puno ng pasa ang katawan—si Dave.

“Guys! May Flashdrive!” Sigaw ng isang lalaking estudyente at nilapitan ito. Napangisi ako.

Simula pa lang nang lapitan niya ako sa garden ay nakahalata na ako. They way he asked me why I was curious about the mysterious death of Rey and why I wanted to know who’s behind it. Kaya naman sinadya kong magpaiwan sa classroom dahil alam kong may binabalak siya sa’kin. Sinuot ko ang salamin na may hidden camera, at ginamit ko naman ang phone ko para i-record ang lahat ng sinabi niya. But of course, I edited my own voice. Kung bakit? Dahil ayaw kong malaman nila na ako ang may kagagawan kung bakit nahanap ang killer na iyon. Hindi na ‘yon mahalaga, ang mahalaga ay magbabayad siya sa kasalanang ginawa niya.

“Napakasama mo! Paano mo nagawang patayin si Trisha?! Paano mo nagawang patayin ang bestfriend ko?!”

Naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nagwawala habang umiiyak. Pilit siyang inaawat nina Alyssa at Lucas. Si Yuna. Now I know kung bakit gano’n na lamang ang reaction niya nang itanong ko kung bakit namatay si Trisha. Kaibigan niya pala ‘yon.

"Magbabayad ka!"

Tumalikod na ako at umalis doon.

Why do I feel happy? Bakit parang naging proud ako sa sarili ko bigla? Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Nakakainis.

Hindi ako puwedeng maging mabait. Ang mga taong tulad ko ay walang karapatang maging masaya. Dahil masama akong tao, sobra pa sa masama at. . . wala akong kuwenta.

Imbis na pumasok sa klase ay pumunta ako sa school garden. Ayaw ko munang pumasok. Nakakatamad na, eh. Ayaw ko naman talagang pumasok ngayon pero baka paghinalaan nila ako lalo na ang grupo ni Alyssa.

Humiga ako sa damuhan at ipinikit ang mga mata. Ginawa kong unan ang bag ko. I was planning to take a nap pero nakakainis dahil may narinig akong sumisinghot sa likuran ko. Hindi ko pinansin ‘yon at muling pumikit pero tangina, ang ingay ingay!

“Hoy, whoever you are! Kung gusto mong mag-drama, doon ka sa walang tao! Buwisit!” Sigaw ko. Nang tumigil ito, pumikit ulit ako.

“S-Sorry. . .” At muli na naman itong umiyak.

Padabog akong tumayo mula sa pagkakahiga at sinundan ang ingay. Nakarating ako sa likuran ng katabi kong puno at nakita doon ang isang babaeng nakatalikod mula sa akin. Yakap-yakap niya ang tuhod niya at tumataas-baba ang balikat niya tanda na humahagulgol siya. Si Yuna.

Napabuntong-hininga ako at umupo sabay sandal sa puno. Rinig na rinig ko pa rin ang impit niyang hagulgol na parang pinipigilang gumawa ng ingay. Natakot ba siya nang sigawan ko siya?

“Hindi ka dapat umiyak, dapat kang maging masaya dahil nahanap na ang taong pumatay sa kaibigan mo.” Mahinang sabi ko. Narinig kong mas lalo siyang napahagulgol.

Sabi nila, kapag malakas ang iyak ng isang tao na sa puntong humahagulgol na siya, asahan mong sobrang sakit ng nararamdaman niya. At sang-ayon ako doon, dahil alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Kung gaano kasakit mawalan ng. . . kaibigan.

“Stop crying and start moving forward.” Sabi ko bago tumayo at naglakad palayo.

———

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon