Chapter 22
《 Yuna 》
Wala paring nagsasalita sa amin simula nang iwan kami ni Yuri. Siguro ay dahil lahat kami gulat na gulat pa rin sa kwento niya. Napatingin ako kay Red nang tumayo siya at umalis. Naiwan kaming anim na tahimik pa rin. Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin.
"Totoo ba yun?" Basag ni Lio sa katahimikan. Wala agad nakasagot sa tanong niya. Totoo nga ba ang lahat ng sinabi ni Yuri kanina? Bakit ang hirap yatang paniwalaan?
Aaminin ko, natakot ako sa kanya pagkatapos niyang ikwento kung paano niya pinatay ang matandang kumidnap sa kanila ng bestfriend niya. Pero pagkatapos kong maunawaan ang lahat ng sinabi niya, iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Kung tutuusin ay pareho kami ng pinagdaanan, pareho kaming nawalan ng kaibigan. At alam ko kung gaano kasakit yun.
"Kaya pala ganun siya." Mahinang sabi ni Alyssa dahilan para mapatingin kami sa kanya. "Kaya pala ang lamig ng mga mata niya, kaya pala ganun siya magsalita at kaya pala ganun ang pakikitungo niya sa mga tao. Naiintindihan ko na siya ngayon."
Napatango ako sa sinabi niya. "Naiintindihan ko rin si Yuri. Naiintindihan ko na siya kung bakit ayaw niyang makisalamuha sa mga tao at kung bakit ayaw niya ng... kaibigan."
Saglit ulit kaming natahimik hanggang sa nagsalita si Jessica. "Pero hindi pa rin maiaalis ang fact na... n-nakapatay siya ng tao."
Doon kami natamaan. Hindi kapani-paniwalang ang gaya ni Yuri, ay nakapatay ng tao. Ang hirap tanggapin. Gusto kong matakot sa kanya, pero hindi ko kaya. Kaibigan ko siya eh, at tanggap ko kung ano ang nakaraan niya.
"But that was a selfdefense kung iisipin mong mabuti. Namatay ang kaibigan niya kaya hindi siya pwedeng kasuhan ng murder sa pagpatay sa kumidnap sa kanila." Mabilis na sagot ni Lucas dahilan para mapangiti ako. Tama siya. Selfdefense lang yun.
"I'm sorry pero hindi ba kayo natatakot sa kanya?" Tanong ni Eric na kanina pa tahimik.
"Natatakot? Actually, hindi. Kaibigan ko siya at tanggap ko kung ano siya." Sagot ko at tumayo na. "Matulog na tayo. May pasok pa tayo bukas."
Nauna akong umalis at pumasok sa tent na katabi lang ng tent ni Yuri. Saglit ko yun tinapunan ng tingin bago tuluyang pumasok sa tent ko.
---
《 Jessica 》
Hindi ako makatulog. Patuloy na bumabagabag sa akin ang mga narinig ko kanina. Ang babaeng yun. Kasalanan niya 'to eh. Bwesit siya.
Hindi ko alam kung matatakot ako sa kanya o ano. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi namin siya kilala. Ni-hindi nga kami tinuturing na kaibigan ng babaeng yun eh. Kaya hindi ko alam kung pagkakatiwalaan namin siya o hindi.
Siya ang kauna-unahang tao na sumagot-sagot sa akin kaya talagang sagad hanggang mars ang inis ko sa kanya. Naalala ko pa nung una namin siyang makita. Aaminin ko, gusto kong maging parte siya ng barkada namin. There's something about her na mahirap ipaliwanag. Something like, mysterious. Pero talagang napuno ako ng inis nang tarayan niya si Alyssa. Ang kapal ng mukha.
Pero ngayong nalaman ko ang past niya, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Inis pa rin ako sa kanya, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko siyang yakapin nang makita kong umiiyak siya. Kahit madilim ang paligid ay ramdam ko at kita ko kung gaano siya nasasaktan. Naaawa ako sa kanya imbis na matakot. Masakit mawalan ng minamahal sa buhay kaya oo, naiintindihan ko na rin siya.
---
《 Lucas 》
Nakangiti kong pinagmasdan ang hawak kong headphone ni Yuri na sinira ni Lio noon. Mabuti nalang at itinago ko pa 'to at inayos. Medyo nahirapan ako dahil sirang sira na talaga pero dahil alam kong mahalaga ito sa kanya, ginawa ko ang lahat para maayos lang. Hindi naman niya magrereact ng ganun kung hindi mahalaga sa kanya ang headphone na ito. Naalala ko pa kung gaano siya nagalit nang makitang sira na ito.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Misterio / SuspensoYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...