42 : The Twins

922 28 0
                                    

Chapter 42

《 Yuna 》

"Nakakainis kayo alam niyo ba yun?" Yamot na sabi sa amin ni Jess nang tumabi siya sa amin.

"Bakit naman?" Tanong ni Aly.

"Bakit ba kinakausap niyo ang bwesit na kambal na yun?"

"Shhh!" Sabay na sabi namin ni Aly. Mabuti nalang at wala dito ang kambal. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, sana lang ay hindi sila maligaw dito. Wala pa naman silang alam sa lugar na 'to.

"Whatever." Inis na sabi ni Jess sabay irap.

"Bakit ba kasi inis na inis ka sa kanila?" Hindi ko mapigilang itanong. Simula pa noon ay nagtataka na ako kung bakit mainit ang dugo niya sa kambal. Alam ko naman na masungit talaga si Jessica, sinungitan nga niya ako noong una eh pero ngayon naman ay okay na kami. Atsaka mabait naman siya kapag nakilala mo na yun nga lang, medyo maldita pa rin.

"Ewan ko, basta ayaw ko sa kanila." Simpleng sagot niya.

"Mababait naman sila eh, try mo kaya silang pakisamahan." Sabi sa kanya ni Aly.

"Ayaw ko nga! Over my dead body."

"Bahala ka."

"Hey guys!"

Dumating ang kambal at agad silang umupo sa tapat namin. Agad namang tumayo si Jess at umalis na halatang inis na inis. Nang tignan ko ang kambal ay nakita kong matalim na nakatingin si Alexandra sa likod ni Jess pero nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad siyang umiwas ng tingin at nginitian ako.

What was that?

"Saan kayo galing?" Rinig kong tanong ni Aly.

"Hinahanap namin si Yuri, hindi kasi namin siya makita eh."

"Ah, baka may pinuntahan lang yun." Sabi ko.

"Guys, may itatanong sana kami sa inyo."

"Ano yun?" Tanong ko.

"Diba may sumasanib kay Yuri?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nila. Nagkatinginan kami ni Aly at tulad ko ay halatang nagtaka rin siya.

"Paano niyo nalaman?"

"Nalaman lang namin, you know, kalat na sa buong school maging sa forest town."

"What?!" Sabay na bulalas namin ni Aly.

Papaanong--

"Hindi niyo ba alam? Kalat na sa buong forest town na si Yuri ang pumapatay at pinaghahanap na siya ngayon."

Hindi kami nakapagsalita ni Aly matapos namin marinig ang sinabi ni Alexander. Nagkatinginan kaming muli habang nanlalaki ang mga mata.

Paano namin ito sasabihin sa kanila lalo na kay Yuri? Wala kaming kaalam-alam na nanganganib na pala ang buhay niya. Akala namin tahimik kaming makakabalik sa forest town pero nagkamali kami.

Kailangan nila itong malaman.

"Uhm, sinasaniban pa rin ba siya hanggang ngayon?" Tanong ni Alexandra.

"Hindi na." Mahinang sagot ni Aly.

Nakita kong nagkatinginan ang kambal.

"Bakit? Paano nangyari yun? Nawala na ba ang demonyong sumasanib sa kanya?" Sunod-sunod na tanong nila.

"May pangontra siya--"

"Aly," Mabilis na putol ko kay Aly. Senenyasan ko siya na wag sabihin at mukhang nakuha naman niya.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon