26 : Battle of the bands

1.2K 55 0
                                    

Chapter 26

Kung maraming tao kanina ay mas dumami nang gumabi na. Halos mapuno na nga ang open field sa sobrang dami ng tao. Mabuti nalang at nasa medyo unahan kami kaya malapit lang kami sa stage. Yun nga lang ay kanina pa ako naiinis dahil sa mga nakakarinding tilian ng mga babae sa likod ko. Kulang nalang ay lumuwa ang mga ngalangala nila sa kakasigaw eh hindi pa naman nagsisimula. Mga bwesit.

"Guys, cheer niyo kami ah?" Sigaw ni Lio nang makalapit sila sa amin. Narinig kong nagtilian ang mga babae sa likuran namin. Mukhang sila Lio ang tinitilian nila kanina pa. Ano bang katili-tili sa mga 'to, mga unggoy.

"Syempre! Bakit pa kami nandito diba? Duh!" Sarkastikong sabi ni Jessica. Napasimangot si Lio at napatingin sa akin.

"Yuri, cheer mo kami ah? Para manalo tayo, hehe."

Imbis na sumagot ay nagkibit balikat lang ako. Asa naman silang sisisigaw ako noh. Kapag inis na inis na ako, doon lang ako sisigaw.

"Yuyu..."

Halos manindig ang mga balahibo ko sa batok nang may marinig akong bulong sa tenga ko. Agad akong lumingon at nakita ang mukha ni Edward na sobrang lapit sa akin. Umatras siya at napalunok.

"Uhm, okay ka lang ba dito? Hindi ka ba nangangawit?" Iwas tinging tanong niya. Kumunot ang noo ko at napatingin sa tenga niyang namumula. Kahit gabi ay kitang kita pa rin dahil sa mga ilaw sa paligid.

"Okay lang." Sagot ko nalang.

"Cheer mo kami ah?" Muling sabi niya bago lumakad papalayo. Nakita kong nakatingin sa amin si Lucas at nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti siya. Tinanguan ko lang siya.

"Tara na, doon tayo sa backstage." Sabi ni Eric.

"Eric, galingan mo ah?"

"Wow naman, Aly! Si Eric lang ang sinusuportahan mo, ganun?"

"Sympre kayong lahat! Tumigil ka nga, Lio."

"Thanks. Gagalingan ko para sayo." Nakangiting sabi ni Eric.

Umalis na silang apat at naiwan kami dito. Kanina pa ako nangangawit. Gustong gusto ko nang umupo. Ugh!

"Good evening!"

Oh! Mukhang magsisimula na.

Sa gitna ng stage ay nakatayo doon ang isang lalaking kalbo at kapansin-pansin ang mga tattoo sa braso niya. Musician ang isang 'to panigurado.

"We're going to start the competition but before that, can you please let us hear your most powerful claps?" Nakangiting anunsyo ng speaker. Then, the crowd whistled and applauded, except me.

"Thank you! And let's enjoy this night!"

Muling nagsigawan ang mga tao. Nakakarindi na ah.

"And for the first band to perform, let's welcome... the phoenix band!"

Mas lalong umingay ang paligid nang lumabas mula sa backstage ang dalawang lalaki at dalawang babae. Sa tingin ko ay nagmula pa sa nayon na 'to ang bandang yan base sa mga sigaw at cheer ng mga tao sa kanila.

"They were the first place last year." Rinig kong sabi ni Alyssa.

Sabi na eh.

Nagsimulang tumugtog ang banda. Hindi ko man pinapahalata pero nag-eenjoy ako. Matagal na rin pala akong hindi nakakanood ng battle of the bands at hindi ko akalaing sila pa ang dahilan para makapanood ulit ako. Last time ay si Steph ang nakasama ko at ang dahilan rin kung bakit nawala siya sa akin.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang wala akong maramdamang sakit dito. Malungkot akong napangiti at napatingala sa mga bituin sa kalangitan.

Unti-unti ko nang natatanggap... salamat, Steph.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon