Chapter 35
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sumipsip sa gatas na hawak ko. Nandito ako sa balcony ng kwarto ko, nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituin.
Minsan naiisip ko na, paano kung walang mga bituin sa kalangitan? Paano kung wala sila na siyang tanging nagbibigay ng aliw sa akin tuwing gabi? Paano kung hindi ko sila nakikita katulad ngayon na sawang sawa na ako sa mundo?
Ano kaya ang mangyayari?
... Siguro ay baka sumuko na ako, baka matagal na akong wala sa mundong ito.
Isa ang mga butuin sa dahilan kung bakit pinili ko pa ring mabuhay sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko. Sa tuwing nakikita ko silang nagniningning sa kalangitan, pakiramdam ko ay nawawala ang lahat ng sakit, lungkot at takot sa puso ko. Kaya itinuring kong kaibigan ang mga butuin, dahil sila lang ang tanging nakakaalam sa lahat ng nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"How I wish na sana nayayakap niyo ako." Mapait na bulong ko habang nakatingala pa rin sa kalangitan.
Nang mangawit ako ay tumayo ako at bumaba sa sala. Hindi ko nadatnan si Yuna doon kaya tahimik akong nakalabas ng bahay.
Naupo ako sa isa sa mga bench at pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko.
"Mabuti pa sila may mga kasama." Wala sa sariling bulong ko.
"Nandito lang naman ako kung gusto mo ng kasama eh."
Napatingin ako sa biglang umupo sa tabi ko. Una kong napansin ang pula niyang buhok na gulong gulo at ang mga mata niyang nakatingin ng seryoso sa akin. Nagkatitigan kami bago unti-unting ngumiti ang mga ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong na tanong ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng pagkailang nang makita ko siyang ngumiti. Kahit lagi naman siyang nakangiti kahit walang magandang nangyayari ay naninibago pa rin ako, lalo na ngayong kaming dalawa lang.
"Kanina pa kita sinusundan."
"Bakit?"
"Paborito mo ang isaw diba? Tara?" Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko. Hindi na ako naka-angal pa nang higitin niya ako papalapit sa aleng nagtitinda ng isaw. Kumuha niya ng isa at ibinigay sa akin. Nang hindi ko yun kunin ay kusa niyang hinawakan ang kamay ko at ipinahawak sa akin.
"Come on Yuyu, alam kong gusto mo itong isaw na 'to. Kumain ka kahit gaano pa karami, libre ko."
Kumuha rin siya ng isaw at kinain habang nakatingin sa akin. Itinaas niya ang dalawang kilay niya nang hindi ko kinain ang hawak kong isaw.
"Sige ka, akin na nga lang."
Agad kong iniwas ang kamay ko nang subukan niyang kunin sa akin ang isaw ko. Napabuntong hininga nalang ako bago isinawsaw sa sauce at kinain. Nakita kong napangiti siya bago kumuha ulit ng isaw at kinain rin.
"Meant to be yata tayo Yuyu, akalain mo yun? Parehas pala nating gusto ang isaw." Nakangising sabi niya.
Bagot ko lang siyang tinignan. Nang maubos ko ang kinakain kong isaw ay kumuha ako ng tatlo at isinawsaw sa sawsawan.
"Tatlo talaga?" Tumatawang giit niya. "Wala ka pala eh."
Kumuha siya ng apat at sunod-sunod na kinain. Napailing nalang ako nang makita kong nabulunan siya. Inabot ko sa kanya ang mineral water na agad naman niyang kinuha at ininom.
"Gago." Bulong ko.
"Nabulunan na nga ako tapos sasabihan mo pa ng gago. Mahal mo ba talaga ako Yuyu?"
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...