33 : Trouble

884 42 0
                                    

Chapter 33

"Yuri!"

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kaya pinabayaan ko nalang ang mga paa ko na dalhin ako kung saan.

"Yuri! Sandali lang!"

Ayan na naman sila. Bakit kung kailan pakiramdam ko wala akong kakampi ay dumadating sila? Bakit? Bakit kahit anong gawin kong pagtaboy sa kanila ay hindi pa rin sila napapagod? Bakit lagi silang nandyan? At bakit nandyan pa rin sila?

Naramdaman ko ang isang kamay na pumigil sa akin mula sa pagtakbo. Nanatili akong nakatalikod at sinusubukang habulin ang paghinga ko.

"Yuri... what happened?"

Dahan-dahan ko silang hinarap. Tinignan ko sila isa-isa. Mula kay Alyssa, kay Yuna, Jessica, Lio, Eric, Lucas at kay Edward.

Itong mga taong 'to, bakit nandito pa rin sila sa tabi ko? Bakit sinundan pa rin nila ako?

"Yuyu, look at me."

Naramdaman mo ang mga kamay ni Edward na humawak sa magkabilang pisngi ko at pilit akong pinapatingin sa kanya.

"Anong nangyari?" Mahinahon ang boses niya na parang nagtatanong sa isang bata.

Tinignan ko ang mga kamay kong puno pa rin ng dugo na halos matuyo na pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Edward.

"N-Napatay ko siya..."

Halos walang boses na lumabas sa bibig ko nang sabihin ko yun. Nagsimula na namang manginig ang katawan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-Hindi ko sinasadya... h-hindi ako ang pumatay sa kanya..." Paulit-ulit na sabi ko.

"Yuri! Calm down!"

"Hindi ako..."

"Yuri!"

Biglang umikot ang paningin ko and the next thing I know, pabagsak na ako sa lupa.

---

《 Alyssa 》

Maingat naming naiuwi si Yuri sa bahay nila nang walang nakakapansin. Punong puno kasi ng dugo ang kamay niya maging ang uniform niya kaya sinigurado namin na walang makakapansin sa amin.

"Fuck. May sugat siya." Malutong na mura ni Red nang mapansin ang sugat sa braso ni Yuri. Doon lang din namin napansin na may sugat pala siya doon. Dali-daling lumabas sa kwarto si Yuna para kunin ang first aid kit habang naiwan namin kami.

Inihiga namin si Yuri sa kama. Pinalabas ko muna ang boys dahil papalitan ko siya ng damit, sumama si Jess na mukhang malalim ang iniisip. Ayaw pa sanang lumabas ni Red pero mabuti nalang napilit siya ni Lucas. Alam kong nag-aalala siya kay Yuri pero ganun din naman kaming lahat.

"Tapos na." Sabi ni Yuna matapos niyang gamutin ang sugat nito. Nakasuot nalang siya ngayon ng itim na sando. Nilinis ko na rin ang mantsa ng dugo sa mga kamay niya maging sa leeg niya na mukhang natalsikan rin ng dugo.

"Ilalabas ko lang muna 'to." Paalam ni Yuna at kinuha ang damit ni Yuri at lumabas. Naiwan akong mag-isa. Napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang maamong mukha niya.

"Napatay ko siya."

"Hindi ako ang pumatay sa kanya."

"Hindi ko sinasadya."

Naalala ko ang takot at lito sa mukha niya habang sinasabi ang mga katagang yun. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang takot sa mga mata niya, dahil sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosyon ang mga mata niya.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon