12 : Memories

1.4K 61 2
                                    

Chapter 12
“Memories”

***

“Oh, ayan, isuot mo. Hurry up because we’re gonna be late.” Sabi ko sabay bato ng hawak kong uniform kay Yuna.

“Sige.” Mahinang sabi nito bago pumasok sa banyo.

Sa guest room siya natulog kagabi. Sinabi ko rin sa kanya na iyon na ang magiging kuwarto niya. Magkatabi lang ang room ko at ang guestroom. Binigay ko rin sa kanya ang iba kong mga gamit pati ang isa kong uniform.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” Tanong niya sa akin habang naglakad kami papuntang school. Hindi ako nagbiksikleta dahil kawawa naman siya kung mag-isa lang siyang papasok. Kahit hindi ko gustong makasabay itong babaeng ‘to, I had no choice.

“What do you mean?" Bored na tanong ko pabalik.

”Ito, lahat ng ‘to. Pinatira mo ako sa bahay mo, binigyan ng mga damit at sinasabayan ako ngayon.”

Mahina akong natawa, I just found funny what she have just said.

“If you are wondering why I’m doing this shit, ginagawa ko ‘to dahil tumatanaw ako ng utang na loob.”

“Utang na loob?” Kunot noong tanong niya.
“Sa. . . akin?”

“Huwag ka nang maraming tanong, puwede?” Inis na sabi ko.

“Sorry.”

Mabilis kaming nakarating sa school. Nauuna akong maglakad at nakasunod lang siya sa akin. Tinahak namin ang hallway papuntang room at nang marating ito, ako na ang nagbukas ng pintuan. Kusang umikot ang mga mata ko nang makita kong may nakaupo sa tabi ko. Sino pa ba eh ‘di si Mr. President A.K.A Sleeping Guy slash Edward the Red Hair. Okay, ang haba ng sinabi ko kahit lahat naman ito nonsense.

Naglakad ako papalapit sa upuan ko at nakita kong nakapatong ang mga paa niya sa armchair nito.

“Pakitanggal ‘yang paa mo.” Sabi ko.

“Hoy, Human Toy! Wala kang karapatang utusan si Red!” Bulyaw sa akin ng isang lalaking kaklase ko.

“Tanga! Hindi ko siya inuutusan, sinasabihan ko lang na alisin niya ‘yong pesteng paa niya sa upuan ko!”

Ang aga-aga pinapainit nila ang ulo ko. Wala na. Sira na ang araw ko dahil sa buwesit na paang ‘to at sa buwisit na Edward na ‘to.

“Aba’t sumasagot ka pa, ah!”

Inirapan ko lang ang lalaki. Naaalala ko ang gagong ‘to. Siya ‘yong nagtapon ng bag ko sa ground. Hintayin mo lang hayop ka, makakaganti rin ako.

“Hoy! Sabi nang alisin mo ‘yang paa mo, eh!” Sabi ko at sinipa ang upuan niya. Natutulog na naman kasi ang gago.

“Hey, mysterious girl, tigilan mo na ‘yan. Respeto naman sa presidente.”

Napatingin ako sa nagsalita this time. Si bakla pala. Hindi ko alam na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa direksyon ko. Masyadong big deal sa kanila ang pagpapalalis ko sa pesteng paa ng presidente
nila sa upuan ko.

“Napaka-OA n’yong lahat, alam niyo ‘yon?” Walang ganang sabi ko.

“HAHAHAHA! Narinig n’yo ‘yon, guys? OA daw kayo! HAHAHAHAA!”

Humalukipkip ako at pinanood si Lio na tawa ng tawa at may pahawak-hawak pa sa tiyan niya. Pinatapos ko muna siya tumawa. Pinipigilan ko lang ang sarili kong hampasin siya ng bag na hawak ko.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon