20 : Camping

1.3K 60 5
                                    

Chapter 20

Tatlong araw na ang lumipas at nandito pa rin ako sa lintek na hospital na 'to. Magaling na ang sugat sa tiyan ko at sisiguraduhin kong bukas na bukas ay wala na ako dito. Nakakainis. Pwede naman akong umalis dito kahit kailan ko gusto pero dahil nalaman ni Lolo ang nangyari sa akin, sinabi niyang huwag akong aalis ng hospital hangga't hindi pa ako magaling. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, malamang ay dahil marami siyang mata at tenga dito, tsk. Nakakabwesit.

"Yuri, gusto mo ng orange? Ipagbabalat kita."

Isa pa sa mga nakakapagbwesit sa akin ay ang mga taong 'to. Si Yuna, halos nandito araw-araw. Si Alyssa rin lagi akong dinadalaw kasama yung tatlo niyang alagad, at si Lucas na lagi ring nandito at isama mo pa ang bestfriend niyang gago na hindi ako nilulubayan. Sino ba ang hindi mabubuwesit? Ano ako, may sakit at malapit nang mamatay kaya laging binibisita? Punyeta.

"Umalis na kayo pwede?" Inis na sabi ko sa kanilang lahat. Oo, nandito silang lahat. Kaya bwesit na bwesit ako.

Tumayo ako at agad namang lumapit si Yuna para alalayan ako. Tinaas ko lang ang kamay ko para sabihing kaya ko ang sarili ko at agad pumasok sa banyo na katabi lang ng sofa.

Tinignan ko ang sugat ko sa tiyan. Mabuti nalang at hindi malalim ang saksak kaya walang masyadong naging problema. May benda pa yun pero aalisin ko rin mamaya. Sunod akong napatingin sa isang peklat malapit sa tagiliran ko, hinimas ko ito at bigla na namang pumasok sa isip ko kung saan ko ito nakuha. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang suot kong damit.

《 Flashback 》

Pagkatapos kong itext ang number ni Alyssa ay tinago ko ang phone ko. Hinarap ko ang medyo malaking bahay na gawa sa kahoy. Tignan mo nga naman, dito pala nakatira ang hayop na yun.

Napangiti ako nang maalala ko ang sinasabi ni Ms. Salazar.

"W-Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay may gusto siya kay Alyssa. Marami na siyang nabiktima katulad ko pero wala pa ring nakakahuli sa kanya hanggang ngayon. Ang alam ko ay nakatira siya sa kabilang village sa loob ng kagubatan. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya, kung ano ang edad niya dahil tanging boses niya lang ang naririnig ko. Ms. montefalco, nagmamakaawa ako sayo. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginagawa pero please, tulungan mo kami ng kapatid ko. Ayaw ko nang sunduin ang kademonyohan niya, ayaw ko nang ulitin ang pagkakamali ko. Kaya please, tulungan mo sana ako."

Don't worry, Ms. salazar, sisiguraduhin kong magbabayad ang hayop na yun.

Huminga ako ng malalim at kumatok sa pintuan ng bahay niya. Tumambad sa akin ay isang lalaking sa tingin ko ay lagpas bente ang edad at mukhang natutuwa pa nang makita ako. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makita ko ang pagnanasa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Bwesit na hayop na 'to, mukhang pinagnanaasan pa ang kagandahan ko, tsk.

"Anong kailangan mo, miss? Gusto mong pumasok?" Nakangising tanong niya. Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot siya ng itim na T-shirt at shorts. Sa unang tingin ay wala namang mali sa kanya. Kaya hindi kataka-takang hindi pa rin siya nakukulong hanggang ngayon.

"May kilala kabang Alyssa?"

Nawala ang ngisi sa mukha niya kaya ako naman ang napangisi. Nakita ko agad ang pagkilos ng kamay niya papunta sa likod ng bewang niya. Ilang sandali kaming nagtitigan at kitang kita ko ang pagkalito sa mga mata niya.

"Kung ako sayo, sumuko ka na." Direstsang sabi ko. Bigla siyang tumawa ng mahina, hanggang sa lumakas na nang lumakas. Okay, hindi ako na-informed na baliw pala ang hayop na 'to.

"Baka gusto mo munang pumasok at nang makapag-usap tayo nang masinsinan." Sabi niya nang tumigil na siya sa kakatawa. Pinunasan pa niya ang gilid ng mata niya kung saan kay namumuong luha.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon