29 : You're not alone

1.1K 44 0
                                    

Chapter 29

Naging matapang ako sa loob ng isang taon, at kaya kong magpanggap na matapang ulit, hangga't kaya ko. Dito naman ako magaling eh, ang magpanggap. Magpanggap na matapang, magpanggap na walang pakialam sa paligid at magpanggap na hindi nakakaramdam ng sakit kahit ang totoo, wasak na wasak ako.

It's hard to reveal your true emotions but it's also hard ko keep and swallow your own pain to pretend you're totally fine. But it's okay, dahil ako si Yuri, si Yuri na matapang at hindi nakakaramdam ng sakit. Si Yuri na mapagpanggap.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan ng classroom namin at pumasok. Nakita kong napatigil ang ilan sa kanilang ginagawa at napatingin sa gawi ko.

"Yuri!" Masayang bati sa akin ni Lio. Tinignan ko lang siya at dumiretso sa upuan ko.

"Kawawa naman siya."

"Oo nga eh, masakit kayang mawalan ng Lola."

"Ano ba kayo! Wag nga kayong maawa sa babaeng yan."

"Grabe ka naman, Gwen."

"Tumahimik ka! Buti nga sa kanya yan eh, wala namang puso ang babaeng yan."

Ibinaba ko ang bag ko at sumubsob sa upuan. Kailangan kong bumawi ng tulog. Kahapon pa ako hindi nakakatulog at ang hapdi na rin ng mga mata ko.

"Hoy, Yuri Montefalco!"

Hindi ko pinansin ang matinis na boses ng babaeng nakatayo sa harapan ko.

Kailangan ko ng tulog kahit kaunti lang kaya sana lubayan ako ng babaeng ito.

"Gwen! Tigilan mo nga si Yuri!" Boses ni Alyssa.

"Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang pakialamera dyan!"

Ang lakas ng boses ng babaeng 'to. Paano ako makakatulog? Bwesit.

"Hoy ikaw!" Umuga ang upuan ko nang sipain niya ito. "Harapin mo ako, kinakausap kita!"

"Sinabi nang tigilan mo siya eh!"

Narinig ko ang tunog na parang sinampal at ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Kahit antok na antok ay pinilit kong tinignan ang nangyari. Nakita ko ang babaeng nagsisigaw kanina habang hawak-hawak ang pisngi niya, sunod akong napatingin kay Jessica na galit na nakatingin sa babae.

Ow. Siya ba ang sumampal sa babaeng 'to?

"How dare you--"

Naputol ang sasabihin ng babae nang sinampal ulit siya ni Jessica. Napailing nalang ako at palihim na natawa.

"Pasalamat ka at sampal lang ang nakuha mo, kundi baka sa hukay rin ang bagsak mo kapag hindi mo tinigilan si Yuri." Saglit na sumulyap sa akin si Jessica pagkatapos ay bumalik sa upuan niya. Nakita ko pang nag-apir sila ni Lio.

---

"Hi, Yuri! Pwede ba akong makisabay sayo?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Alexandra na nakangiting kumapit sa braso ko. Kanina pa niya ako sinusundan at kinakausap noong nasa room kami. Hindi lang siya kundi pati na rin ang kakambal niyang hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. Nakakainis. Nadagdagan na naman ang mga bwesit na buhay ko.

"No." Tipid na sabi ko at kinalas ang kamay niya sa braso ko.

"Pleaseee! Wala kasi akong kasama eh."

"I don't care." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sasama nalang ako sayo kahit ayaw mo, hehe."

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon