Chapter 40
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ganun pa rin ang histura ko, wala paring emosyon ang mga mata ko. Ang naiba lang sa akin ay humaba hanggang balikat ang buhok ko pero bukod roon, wala na. Ako pa rin ito, si Yuri na walang pakialam sa mundo. Si Yuri na walang pakiramdam, at si Yuri na gustong palaging nag-iisa.
Natawa ako sa naisip ko.
Ako pa rin ba ang dating si Yuri? O nag-iba na? Iniba nila ako. Sila na akala ko hinding hindi magiging parte ng buhay ko. Sila na lagi kong pinagtutulakan palayo pero ito, nandito na naman sa tabi ko. Kahit anong gawin kong pagtataboy sa kanila ay hindi pa rin sila tumitigil. Kaibigan nila ako at oo, kaibigan ko rin sila.
Napabuntong hininga nalang ako. Bumaba ang tingin ko sa kuwintas na suot ko. Ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Lola at ito rin ang dahilan kung bakit naging tahimik ang buhay ko sa loob ng isang linggo.
Tinago ko ito sa loob ng damit ko at lumabas ng bahay. Nadatnan ko silang nakaupo sa mahabang kahoy sa gilid ng puno at nagtatawanan. Lalo na si Lio na mukhang inaasar si Jessica. Napatigil sila nang makita ako. Nagkibit balikat lang ako at naupo sa tabi ni Edward na nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko nang mapansin kong nakatingin pa rin sila sa akin. "Masama bang maupo dito?"
"H-Hindi naman." Nauutal na sagot ni Lio.
Hindi pa rin sila nagsasalita. Parang bigla nalang silang tumahimik dahil dumating ako. Si Lio na ang ingay ingay kanina ay bigla nalang tumahimik pati na rin sina Alyssa at Yuna na tawa ng tawa ay tumahimik na.
"Ba't kayo natahimik? Don't tell me ako ang pinag-uusapan niyo?"
"H-Hindi ah!" Mabilis na angal ni Lio.
"Nagtataka lang kami kung bakit bigla ka nalang tumabi sa amin." Sabi ni Eric.
"Masama ba?"
"Hindi naman." Sagot ni Lucas na nakangiti na naman sa akin. Hindi ko alam sa lalaking 'to kung bakit ngiti siya ng ngiti. Naalala ko tuloy yung pagkanta niya sa rooftop at yung pagbalik niya ng headphone sa akin. Kahit papaano pala ay may utang na loob ako sa gagong 'to.
"Actually Yuri, may gusto kaming itanong sayo." Sabi ni Yuna.
Hindi ako nagsalita. Tinignan ko nalang sila at hinintay kung ano ang itatanong nila.
"A-Anong nangyari pagkatapos mong umalis?"
Tama nga ako. Alam kong itatanong nila yan. Hindi agad ako nakasagot. Ramdam ko ang kagustuhan nilang marinig ang isasagot ko dahil lahat sila nakatingin sa akin. Lumipas ang ilang sandali bago ako sumagot.
"Simula nang umalis ako, hindi na nagtangkang sumanib sa akin ang demonyong yun."
Mas lalo kong nakita ang kuryusidad sa mga mukha nila nang sabihin ko yun.
Nilabas ko ang suot kong kuwintas at ipinakita sa kanila. "Dahil dito."
"Dahil dyan?" Tanong ni Eric.
"Anong meron sa kuwintas na yan?" Tanong ni Edward na kanina pa tahimik.
"Binigay ito sa akin ni Lola Martha." Napatigil ako nang maalala ko siya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang maalala ko ang pagkamatay niya. Bumuntong hininga ako at pilit inalis ang imaheng yun sa isipan ko at muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Maniwala man kayo o sa hindi, ito ang pangontra sa demonyong yun para hindi niya masaniban ang katawan ko."
"Si Lola Martha?" Sabi ni Alyssa na parang hindi makapaniwala. "Ibig sabihin ba nun ay matagal na niyang alam na may sumasanib sayo?"
Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila ang bagay na yun. May parte sa akin na nag-aalinlangan pero may parte rin sa akin na nagsasabing dapat kong sabihin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mystery / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...