28 : Tears and Anger

1.1K 48 0
                                    

Chapter 28

《 Alyssa 》

"Where do you think you're going, Aly?" Galit na tanong sa akin ni Jessica nang madatnan niya akong nagbibihis sa kwarto ko.

"Yuri's house."

"Are you insane?! Hindi mo ba nakita ang ginawa niya?!"

"Jess, not now okay?" Mahinahong sabi ko at sinuot ang shoulder bag ko.

"Alyssa, don't go there."

Napatingin ako kay Eric na kakapasok lang, kapansin-pansin ang mga benda sa braso niya dahil sa mga paso na nakuha niya nang pumasok sila ni Red na bahay na yun. Nakasunod sa kanya si Lio na tulalang nakatingin rin sa akin.

"Guys, please, hayaan niyo na ako."

"She killed that man and she might--"

Malakas kong isinara ang drawer ko dahilan para matigilan si Jessice. Tinignan ko sila ng seryoso at napabuntong hininga nalang dahil sa inis na nararamdaman.

"W-Wala akong pakialam sa... sa nakita ko." Napatigil ako sa pagsasalita at napalunok nang maalala ko ang nangyari kahapon lang. "She needs us, now. At bilang kaibigan niya, pupuntahan ko siya."

Nang hindi sila magsalita ay lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko. Lalabas sana ako pero nagsalita si Jessica dahilan para mapalingon ako sa kanila.

"Ano bang meron sa Yuri na yan?"

Napailing nalang ako at mahinang natawa. "Guys, isipin niyo mabuti ang mga ginawa ni Yuri. Kahit hindi niyo aminin, alam kong sa puso niyo, kaibigan ang turing niyo sa kanya. At alam ko, kahit hindi niya man pinapakita, tinuturing niya na rin tayong kaibigan, kahit lagi siyang umiiwas sa atin, minumura tayo, pinagsasalitaan ng hindi maganda, pero alam ko at ramdam ko, at alam kong ganun rin kayo."

Huminga ako ng malalim at nginitian sila. "She may look strong outside, but she's also weak inside. She needs a friend right now, she needs us."

---

"Aly..." Mahinang sabi ni Yuna at niyakap ako. Pinapasok niya ako at sinira ang pintuan.

"How is she?" Tanong ko kaagad.

"Hindi pa siya nagigising."

Saglit kong sinulyapan ang pintuan ng kwarto niya bago hinarap si Yuna.

Halatang wala pa siyang tulog, well, maging kami rin naman eh. Pero despite of fear na nararamdaman niya sa mga oras na 'to, she didn't leave Yuri.

"Are you scared?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Sobra."

"Then why are you here?"

Bumuntong hininga siya at pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng mata niya.

"God knows how much I want to run, how much I want to leave her pero... pero kaibigan ko siya eh. At ayaw kong iwan siya."

Napangiti ako at agad siyang niyakap. Masaya ako na pareho kami ng nararamdaman ni Yuna, na hindi namin pwedeng iwan si Yuri. Because she's our friends, and we can't leave her.

"Tama na yan, magluluto muna ako para makakain siya kapag nagising na siya." Natatawang sabi niya nang kumalas siya sa yakap. Natawa rin ako at pumunta na siya sa kusina.

Ibinaba ko ang dala kong shoulder bag at umakyat sa hagdanan. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago binuksan ang pintuan ng kwarto niya at pumasok. Nakita ko agad siyang nakahiga sa kama at mapayapang natutulog. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon