Last Chapter
"Apo..."
"Bes, gumising ka nga."
"Ate Yuri, ang tagal mo naman magising."
"Yuri iha,"
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko pero agad rin akong napapikit nang masilaw ako ng liwanag. Nang maramdaman kong kaya nang mag-adjust ng paningin ko sa liwanag ay muli akong dumilat. Unang tumambad sa akin ang karagatan, walang hangganang karagatan. Rinig na rinig ko ang tunog ng alon at ang hangin kaya isang katanungan agad ang nabuo sa isipan ko,
Nasaan ako?
"Apo..."
"Lola?" Hindi makapaniwalang giit ko nang makita ko siya sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit.
"Lola, patawad po, patawarin niyo ako..."
Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kung nananaginip man ako, sana mas tumagal pa.
"Bes,"
Kumalas ako sa yakap at napatingin sa likuran ko.
"Steph?"
"Ako nga, wala bang yakap dyan?"
Agad ko siyang sinunggaban ng yakap. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang bestfriend ko.
"Bes, sila din kanina ka pa hinihintay na magising." Rinig kong sabi ni Steph kaya nagtataka akong kumalas sa yakap at tinignan ang itinuturo niya.
"A-Aleng Linda... M-Mikoy..." Hindi makapaniwalang giit ko nang makita sila. Akala ko isang galit na mukha ang bubungad sa akin pero hindi, sa halip ay isang ngiti ang sumalubong sa akin. Imbis na lumapit ako ay napaatras ako at doon ko lang napagtanto na nasa isang isla kami at nakaupo sa puting buhangin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nila.
"Aleng Linda, patawarin niyo po ako. Kung hindi po dahil sa akin--"
"Yuri, wala kang kasalanan." Putol niya sa akin. "Hindi mo kasalanan kaya wala kang dapat ikahingi ng tawad."
"Tama si nanay ate, atsaka mas masaya dito." Nakangiting sabi ni Mikoy.
"Maraming salamat po, sa lahat lahat." Taong-pusong sabi ko.
"Walang anuman, maraming salamat rin."
Lumapit ako sa kanila at niyakap sila. Naramdaman kong gumanti sila ng yakap sa akin kaya hindi ko na napigilang ngumiti.
Ang sarap sa pakiramdam na mayakap muli ang mga taong importante sayo.
"Apo,"
Kumalas ako sa yakap at binalingan si lola. "Po?"
"Ito, isuot mo." Inabot niya sa akin ang isang kuwintas. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Hindi ito kagaya nung ibinigay niya sa akin--
T-Teka... nasaan ba talaga ako? Bakit ako nandito? At anong lugar ito?
Hindi kaya...
"Patay na ba ako?" Mahinang tanong ko.
Narinig ko silang nagtawanan kaya napatingin ako sa kanila.
"Hindi pa ito ang oras mo apo, marami ka pang matutulungan at magagawa sa buhay mo kaya yang kuwintas na yan, gamitin mo yan sa kabutihan. Wag mo yang wawalayin dahil yan ang regalo namin sa iyo."
Hindi pa oras? Kabutihan? Regalo?
"Atsaka bes, kahit nakahanap ka na ng mga bago mong kaibigan, wag mo pa rin akong kalimutan ah?"
Kaibigan... sina Edward.
"Ako rin po ate Yuri, wag mo akong kakalimutan ah?"
Napatingin ako kay Mikoy na nakangiti sa akin ng malapad. Hinimas ko ang buhok niya at tumango.
"Hinding hindi ko kayo kakalimutan. Pangako yan."
"Oh siya, tama na ang kwentuhan at kailangan mo nang bumalik bago pa magsara ang portal."
"P-Po?" Nagtatakang tanong ko.
"Sundan mo ang liwanag," Nakangiting giit ni Steph.
"Sige na ate!" Hinila ako ni Mikoy kaya napatayo ako.
Nakita ko ang maliit na liwanag sa di-kalayuan hanggang sa palaki ito ng palaki at biglang naging hugis pintuan.
"Mag-iingat ka palagi, apo."
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa liwanag. Nang isang hakbang nalang ang layo ko dito ay lumingon ako at nakita silang nakatingin sa akin habang nakangiti. Kumaway ako at nginitian sila.
Humarap na ako at napabuntonghininga nalang. Bago ko ihakbang ang mga paa ko ay hinawakan ko muna ang kuwintas sa leeg ko at pumikit.
Sana maging maayos na ang lahat pagbalik ko.
Dumilat ako at nakangiting humakbang papasok sa liwanag.
***
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Mistero / ThrillerYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...