21 : Truth and the Past

1.3K 62 0
                                    

Chapter 21

"Wohoo! Ang lamig! Ang sarap maligo dito!"

"Biruin mo, may nakatagong ilog pala dito!"

"Guys! Let's swim over there!"

"Doon tayo sa malalim na parte!"

Gigil na kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanila. Pakiramdam ko kaunting kalabit lang sasabog na ako sa inis. Talagang tuwang tuwa silang lumalangoy sa tubig na dapat ay sa akin lang. Ang buong akala ko ay ako lang ang lalangoy diyan pero tignan mo nga naman, naguunahan pa sila sa pagtalon kanina habang ako naiwang nakatayo dito.

Napatingin ako kay Yuna na kanina pa iniiwasan ang matatalim kong tingin. Napatingin siya sa akin at agad ding iniwas nang makitang nakatingin ako sa kanya. Ha! Patay kang babae ka. Nilapitan ko siya at hinila sa gilid.

"Paano kayo nakapunta dito?"

"Ah, eh, ganito kasi yun." Iniwas niya ang tingin niya at napakamot sa ulo. "Dumating kasi kanina si Lucas sa bahay nang umalis ka, tinanong ka niya sa akin at sinabi ko naman na hindi ko alam. Tapos biglang dumating sina Alyssa at Jessica kasama sina Lio at Eric na tinatanong rin kung nasaan ka. Kaya ayun, we decided na sundan ka namin at nalaman namin na dito ka pala pupunta."

Mga bwesit na 'to. Talagang sinundan pa nila ako. Inis kong hinilot ang sentido ko at binalingan ng tingin sina Lio na nagsasaya.

"Alam mo bang bumalik pa kami para kumuha ng tent? Mukha kasing may balak kang mag camping dito kaya ayun kumuha kami ng iba pang gamit na kakailangan ngayong gabi."

"Wala akong pakialam. Lumayas ka sa harapan ko, ngayon na!" Sigaw ko sa kanya. Nag peace sign pa siya bago tumabi kay Lucas na nakatingin sa amin. Tinignan ko siya ng masama pero tumawa lang ang gago.

Talagang sinasagad nila ako, ah. Punyeta.

Umupo ako sa isang malaking ugat ng puno at pinakalma ang sarili. Ang kaninang tahimik na paligid ay napuno ng hiyawan at tawanan nila Lio. Mga walang hiya. Ma-engkanto sana kayong mga bwesit kayo.

"Galit ka?"

Biglang may umupo sa tabi ko. Si Edward. As usual, nakangiti na parang timang ang gago kaya inirapan ko siya. "Hindi ba halata?"

"Just enjoy this night with us."

"Tingin ko hindi ako mageenjoy, you guys not even my friends." Malamig na sabi ko. Hinintay ko siyang magsalita pero 'di na siya umimik pa.

Unti-unting dumidilim ang paligid at umahon na rin sila Alyssa sa pagligo. Hindi ako naligo, nawalan ako ng gana. May dala silang pagkain at sila Yuna ang nahahanda nito. Nakaupo pa rin ako sa ugat ng puno at nakatingin sa kawalan. Naririnig ko silang nagtatawanan at nag-aasaran maliban kay Edward na nakaupo sa isang malaking bato medyo malayo sa akin. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero hindi ko nalang pinapansin. Hindi ako nakokosensya sa sinabi ko kanina dahil totoo naman yun, hindi ko sila mga kaibigan.

"Guys! Kain na tayo!" Sigaw ni Lucas. Nakita kong tumayo si Edward mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

"Kakain na daw tayo, don't tell me pati dito hindi ka makikisama?"

Inirapan ko siya. Tumayo ako at sabay kaming lumapit sa kanila. Nakapalibot sila at sa gitna ay ang mga pagkain. Talagang nagdala pala sila ng mga pagkain dito. Nginitian ako ni Yuna at inabot sa akin ang isang plato na may lamang pagkain. Kinuha ko yun at umupo sa tabi ni Lucas.

"Yuyu, patabi ako ah?"

Nagsimula akong kumain. Ang iingay nilang lahat maliban sa amin ni Edward. Kung ano ano ang pinaguusapan nila at sinasabayan pa ng malakas na tawanan. Mukhang close na si Yuna sa kanila ganun rin si Lucas.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon