15 : Rescued

1.4K 60 2
                                    

Chapter 15

《 Alyssa 》

"Saan natin pwedeng hanapin ang grupo ni Ash?"

Napapayag namin ang guard na palabasin kaming lima. Ang problema lang ay kung paano at saan naming hahanapin sina Ash. Malakas kasi ang kutob namin na sila ang kumuha kay Yuri, kung dinukot man ito. Kilala ang grupo nina Ash sa pagiging basagulero at sila rin ang dahilan kung bakit sa hospital bumabagsak ang mga nagiging Human Toy noon. Kaya sa mga oras na 'to, kung sila man ang kumuha kay Yuri, kailangan na namin silang pigilan as soon as possible. Dahil hindi ligtas si Yuri sa mga kamay nila.

"May alam akong hideout nila." Sabi ni Eric kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nauna itong maglakad at agad sumunod si Yuna na halatang kinakabahan. Kaming dalawa lang ni Jess ang natira kaya hinarap ko siya at hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Please? Kahit ngayon lang."

She let out a loud sigh at napairap nalang. "Fine."

Napangiti ako at sinundan namin ang tatlo. Pumasok kami sa masukal na kagubatan kung saan makikita ang mga nagtataasang mga puno. Malayo ito sa mga bahay kaya napakatahimik ng paligid. Tanghaling tapat pero hindi tumatagos ang araw dito dahil sa mga mayayabong na puno. Nakakatakot ang paligid.

"Ito na yata." Sabi ni Eric. Nakita namin ang maliit na bahay na gawa sa semento. Ito siguro ang hideout nila at malamang ay dito rin nila dinadala ang mga binibiktima nila.

"Teka!" Sigaw ni Lio nang biglang tumakbo si Yuna papasok sa hideout. Agad ko siyang sinundan at pumasok sa pinasukan niya.

Tumambad sa akin ang medyo madilim na silid. Napatakip ako ng ilong nang pumasok sa ilong ko ang medyo masangsang na amoy. Nang masanay ang mga mata ko sa dilim ay natigilan ako sa nakita.

"Oh my god..." Rinig kong bulalas ni Yuna habang nakatakip ang kamay sa bibig dahil sa gulat. Habang ako, natulala nalang at nakatingin sa babaeng nakasandal sa pader.

"Shit! Anong nangayari dito?"

"Teka, ayun si Yuri!"

Nakita kong natauhan si Yuna at agad nilapitan si Yuri. Sa tingin ko ay wala itong malay habang nakasandal sa pader. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling sa mga kaklase namin na nakahandusay sa sahig. Nakita ko si Ash na sumusuka ng dugo at kitang kita ang paghihirap sa mga mata niya habang hawak-hawak ang sikmura at dumudugo rin ang gilid ng ulo niya. At si Roy na mukhang bali ang kaliwang braso at putok ang gilid ng mata. Nakita ko rin sina Sam at Lia na parehong umiiyak sa gilid at gulong gulo ang mga buhok. Lahat sila namimilipit sa sakit.

Si Yuri ba ang may gawa sa kanila nito?

---

Nandito kami sa bahay niya. Dinala namin siya sa kwarto niya at pinahiga sa kama. Kapansin-pansin ang mga pasa sa mukha niya, putok ang gilid ng labi, halos kulay-lila na ang magkabilang pisngi at pulang pula ang wrist ng dalawang kamay niya. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin 'to nina Ash, pero sa tingin ko ay mas malala pa ang nangyari sa kanilang apat nang madatnan namin sila sa hideout. Siya ba talaga ang may gawa nun sa kanila, nang ganun katindi? Pero paano? Mag-isa lang siya at apat ang kalaban niya. Nakakapagtaka.

"Maraming salamat." Sabi ni Yuna nang makababa kami sa sala ng bahay. Nakaupo lang si Jessica sa sofa samantalang nakatayo naman ang dalawang boys.

"Wala kang dapat ipagpasalamat dahil wala naman kaming naitulong." Natatawang sabi ni Lio.

"Sige, aalis na kami." Sabi ko at nakipag beso kay Yuna. Tumango lang siya kaya lumabas na kami ng bahay.

"Tingin niyo siya ba ang may gawa nun?" Tanong ni Lio habang naglakakad kami pabalik ng school. Kailangan pa namin bumalik dahil hindi rin naman kami pauuwiin ng guard at isa pa, nandoon ang mga gamit namin.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon