41 : Kiss

937 40 0
                                    

Chapter 41

《 Yuri 》

"Yuyu!"

"Hey, sandali lang."

Hinigit niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Wala na akong nagawa kundi harapin siya. Ayan na naman ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. At ito na naman ang puso ko, napakabilis na naman ng tibok. Kanina naman ay normal lang ang pagtibok nito ah, pero bakit ngayong kaharap ko na siya at malapit lang siya sa akin ay ganito na kabilis? Abnormal na ba ako? Nakakainis. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin.

Why does Edward have this effect on me? God.

"Bakit?" Tanong ko, pilit ginagawang malamig ang boses.

"Bakit ba palagi mo nalang sinasarili ang lahat?"

"What are you talking about?"

Binitawan niya ang braso ko pero nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.

"Nandito naman ako, nandito kaming mga kaibigan mo, bakit kailangan mong sarilihin ang problema mo, Yuyu?"

Pakiramdam ko kumirot ang puso ko nang makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng konsensya lalo na nang matunugan ko sa boses niya ang lungkot.

Anong nangyayari sa akin?

"Kaya kami nandito dahil handa kaming tulungan ka. Yuyu, hindi mo ba talaga kami kayang tanggapin sa buhay mo? Hindi mo ba kami pwedeng ituring na mga kaibigan mo?"

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na kayang salubungin ang mga tingin niya. Yumuko ako at pinaglaruan nalang ang mga kamay ko.

"Alam mo Edward, kaya ko kayo pinagtutulakan palayo, ay dahil ayaw ko kayong madamay, ayaw ko kayong masaktan nang dahil sa akin." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Naalala mo yung ginawa ko kay Alyssa at Yuna? Ayaw kong maulit pa yun at ayaw kong dumating yung oras na kayo na naman ang masaktan ko."

"Kahit ano pa man ang mangyari, hindi ka namin iiwan. I will protect you, that's my promise, right?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Nararamdaman ko ang saya sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Oo, naroon pa rin ang takot na baka masaktan ko sila pero mas nananalig pa rin ang saya sa puso ko.

"Payakap nga." Nakangiting sabi niya at bago pa ako maka-angal ay nahila na niya ako at mahigpit na niyakap. Kung mabilis ang tibok ng puso ko kanina ay mas bumilis ngayon. Pakiramdam ko ay tatalon ito palabas sa katawan ko anumang oras. At ang nakakainis, hinahayaan ko lang siyang yakapin ako kahit pwedeng pwede ko naman siyang itulak palayo.

Yuri, what the hell is happening to you?

"Yuyu--"

"Yuri!"

Naputol ang sasabihin niya nang may marinig kaming sigaw. Agad ko siyang itinulak at lumingon sa pinanggalingan ng sigaw. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang kambal kasama sila Yuna. Nakangiti sila nang malawak sa akin at agad yumakap si Alexandra nang makalapit siya sa akin.

"Yuri! Namiss kita!"

Anong ginagawa nila dito?

---

"Pasensya na po kayo Aleng Linda." Paghingi ko ng paumanhin habang nasa kusina kami.

Nakakahiya na. Noong una ay sila Edward ang nandito tapos ngayon, nadagdagan na naman kami. Hindi ko na alam kung paano kami magkakasya sa bahay na 'to. Kailangan ko na sigurong umalis. Sigurado naman akong susundan nila ako. Tsk.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon