09 : Ordinary Day

1.5K 60 1
                                    

Chapter 9
“Ordinary Day”

***

It was sunday in the morning. Nilinisan ko ang buong bahay at nilabhan ang mga damit ko. Lumaki akong marunong gumawa ng gawaing bahay. Hindi ako sinanay ni lolo at lola na dumepende sa mga katulong namin.

Noong nasa mansyon ako ay tumutulong ako sa paglilinis at ako rin ang naglalaba ng mga damit ko. Iyon nga lang, hindi ako natutong magluto. I’m scared of fire, that’s why.

Matapos kong linisin ang bahay ay naligo ako at nagbihis. Pupuntahan ko si Lola Martha. Sinuot ko ang favorite pink jacket ko at black fitted jeans. Lumabas ako at ni-locked ang bahay.

“Pssst, hija!”

Napatigil ako sa paghakbang nang may biglang sumisitsit sa’kin. Nagtataka akong humarap sa katapat kong bahay at doon ko nakita ang isang babae na nakangiti sa akin habang kumakaway.

“Come here.” Sabi nito at binuksan ang gate nila. Nananatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. I don't want to be rude pero hindi ko ugaling pumansin ng mga strangers kahit pa sabihing mas matanda siya sa akin. Nang makita niyang nakatayo lang ako ay lumabas siya mula sa gate at hinila ako papasok.

“Teka!” Sabi ko habang pinipigilan siya sa pagtangkang pagpasok sa akin sa bahay nila. Napatigil naman siya sa paghila sa akin at hinarap ako.

“Who are you?”

Ngumiti siya bago sumagot. “I’m your neighbor, lady. Gusto lang kitang makilala, pumasok muna tayo sa loob.”

Hindi na ako naka-angal pa nang tuluyan niya akong hilain papasok sa loob ng bahay. Pinaupo niya ako sa mahaba at malaki nilang sofa pagkatapos ay nagmamadaling umalis. I mentally rolled my eyes. Sino ba ang babaeng ‘yon at basta basta nalang akong hinihila?

“Here.” Dumating siya at nilapag ang isang baso ng juice sa lamesa pagkatapos ay umupo sa katapat kong sofa. Tinignan ko lang siya at nakatingin lang din siya sa akin habang nakangiti ng malawak. Okay, maganda siya at hindi halatang may edad na. But I still don't care, sino ba siya? Psh.

“You are so pretty, lady. What’s your name?”

“Yuri. . .” Tipid na sagot ko.

“Yuri! I’m Thalia but you can call me Tita Thalia.” Tuwang tuwang sabi nito. Pinigilan ko ang sarili kong mapairap.

Yuri, matanda ang kaharap mo kaya you have to show some respect.

“So, puwede na ba akong umalis?” Tanong ko.

“Not yet. Ipapakilala ko muna sa’yo ang anak ko. Same kayo ng school at sigurado akong kilala mo na siya.” Excited na sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako nang umalis siya at pumanhik sa second floor. Ilang minuto akong naghintay. Naubos ko na rin ang laman ng baso pero hindi pa rin siya bumabalik. Tumayo ako at inayos ang nagulo kong buhok. Aalis na ako kahit hindi ako nakapag-paalam.

“You have to see her, son! She’s so cute! I’m sure you will like her, hehe!”

“Mom!”

Tumigil ako sa pagtangkang paghakbang at hinintay na makababa ang dalawang taong mukha nagtatalo pa. Kumunot ang noo ko nang makita ko kung sinong son ang tinutukoy ng babae. Tignan mo nga naman. Siya pala ang kapitbahay ko.

“Yuri, meet my son, Edward!”

Nakakunot ang noo niya at ang sama ng tingin sa akin. Gulong gulo ang buhok niya na parang kagigising lang. Naka-topless rin siya kaya kitang kita ko ang maputi at malaki niyang katawan. May abs pala ang lalaking ‘to. Kadiri.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon