Chapter 23
Maaga akong gumising. Today is my Lolo's birthday at balak kong pumunta sa mansion. Tatlong oras ang biyahe mula dito papunta sa manila kaya kailangan maaga akong makarating doon. Naligo agad ako at hinanda ang mga gamit ko. Umupo ako sa kama at muling sinuri ang gift ko sa kanya. Simple lang siya, at hindi ko alam kung magugustohan ba niya o hindi.
Nagsuot ako ng denim shorts at white T-shirts na may printed na pusa. Nilugay ko lang ang buhok kong humaba na hanggang balikat at ang bangs ko. Bumaba agad ako sa sala at nadatnan doon si Yuna na nagtitimpla ng milk.
"Nag freestyle ka?" Tanong niya.
"Uuwi ako ng manila. Mamayang gabi pa ang balik ko." Sagot ko habang sinusuot ang rubber shoes ko.
"Bakit? May emergency ba?"
"Birthday ng Lolo ko." Tipid na sagot ko. Kinuha ko ang paper bag kung saan nakalagay ang regalo ko kay Lolo.
"Ah. Pakisabing happy birthday. Uhm,"
Napatingin ako sa ginawa niyang milk. "Para sa akin ba yan?"
"Huh? Ah, oo."
Lumapit ako sa kanya at kinuha yung baso at mabilis na ininom. Medyo napaso ang dila ko pero nalunok ko naman lahat. "Sige. Ilock mo ang bahay kung aalis ka."
"Mag-iingat ka. Bumalik ka ah?"
Lumabas na ako ng bahay at nakitang nakaparada ang itim na van sa tapat ng bahay. Tinawagan ko yung isa sa mga driver ni Lolo at sinasabing sunduin niya ako dito. Agad akong pumasok sa kotse at ibinaba ang dala kong bag.
"Tara na." Sabi ko.
---
Alas-diyes na ng umaga nang makarating kami sa mansion. Sinalubong agad ako ng mga kasambahay at pinugpog ng tanong kung kamusta na ako, maayos lang ba ako roon ay kung ano ano pa.
"Nasaan si Lolo?" Tanong ko.
"Nasa kwarto niya."
Iniwan ko muna yung dala kong bag at paper bag sa sofa at umakyat sa third floor. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid, nakakamiss rin pala. Nadaanan ko yung kwarto ko at saglit akong tumigil bago nagpatuloy sa paglalakad.
Isang beses akong kumatok bago pinihit ang seradura. Nakita ko agad si Lolo na nakatalikod mula sa akin. Nakaupo siya sa isang upuan at nakatanaw sa garden. May malawak kasing garden na matatanaw dito kapag tumingin ka sa bintana. Hindi pa rin siya nagbabago, palagi niya pa rin itong ginagawa. Dahan dahan kong sinara ang pintuan at tumayo sa gilid.
"Ramon, May balak bang pumunta si Yuri dito?" Tanong niya nang hindi humaharap sa akin. Akala niya yata isa ako sa mga bodyguard niya. Tsk.
"Birthday mo pa naman tapos nag-eemote ka dyan?"
Tumayo siya at nakangiting humarap sa akin. "Apo."
Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita. Hindi man halata pero close kami ni Lolo, noon.
"Happy birthday."
Kumalas siya sa yakap at nakangiti akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Masaya na ako sa birthday ko dahil nandito ka na."
Ngayon lang ako nawalay ng matagal kay Lolo. Noong una ay hindi ako pumayag, pero katulad ng sinabi niya, para sa kapakanan ko ang ginawa niya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit niya ako pinadala sa Forest Town.
"Sige na, alam kong namiss mo ang mansion. Maglibot ka na."
Tumango ako at lumabas sa kwarto niya. Mabuti nalang at mamayang gabi pa ang party kaya walang masyadong tao bukod sa mga kasambahay at mga guard.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl | ✔
Misterio / SuspensoYuri Montefalco thought that her life was worthless at all. She lost her bestfriend whom she cherished and spent her life the most---causing her life to become miserably alone. And because of that, her grandfather decided to bring her in a town call...