19 : Behind the gunshot

1.3K 63 0
                                    

Chapter 19

"Hey." Bati ko nang sagutin niya ang tawag.

"Hello, apo? Mabuti naman at napatawag ka."

Dumapa ako sa kama at napangiti nalang. Matagal-tagal na rin nang huli kong marinig ang boses ni Lolo.

"Uhm, kamusta na kayo diyan?"

"Okay lang ako, apo. Malakas pa naman ako at kayang kaya ko pang mag-asawa ulit." Ayan na naman siya sa biro niya. Sinabayan niya pa ng malakas na tawa kaya hindi ko maiwasang matawa rin, nang walang tunog.

"Wag kayong masyadong magpapagod. 54 na kayo, malapit pang maging 55."

"Oo na. Ikaw? Kamusta ka na dyan? Maayos ba ang pamumuhay mo dyan?"

Kamusta na nga ba ako dito? Naging maayos nga ba ang pamumuhay ko sa lugar na 'to?

Sa loob ng isang buwan na pananatili ko rito, napakaraming nangyari. Nabangga ko ang apat na studyente, nakilala ko si Lola martha, pinatira ko si Yuna sa pamamahay ko kahit hindi ko naman siya kilala at lalong hindi ko kaibigan, nakilala ko ang dalawang lalaki na laging nambubwesit sa akin, nahuli ko ang killer ng Black forest academy, nakidnap ako, at ngayon, nasangkot ako sa gulo ng isa sa mga taong hindi ko naman kaibigan pero laging nagtatagpo ang landas namin.

Maayos nga ba ang pamunuhay ko dito sa Forest Town?

Hindi ko alam.

"Sige po Lolo, may gagawin pa ako."

"Ganun ba? Tumawag ka ulit, apo ah?" Ramdam ko ang tuwa sa boses ni Lolo. Tumango ako kahit hindi niya nakikita at binaba ko na ang tawag.

"Lolo mo yun? Nasaan siya ngayon?"

Napatingin ako sa pintuan at doon ko lang napansing nakatayo doon si Yuna. Mabilis akong tumayo at nilapag ang phone sa kama.

"Sa susunod, wag kang makikinig ng usapan ng iba. Nagmumukha kang chismosa."

"Hindi ko naman sinasadya eh. Tatanungin lang sana kita kung may sasabay ka ba sa akin o mauuna na ako?"

Kinuha ko yung uniform kong nakalapag sa gilid ng kama at tinungo ang banyo.

"Hintayin mo 'ko sa baba."

"T-Talaga?"

"Alis na." Sabi ko at sinara ang pintuan ng banyo. Nagmadali akong magbihis at bumaba sa sala. Nadatnan kong naghihintay doon si Yuna. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Siya na ang naglock ng bahay at nagtago ng susi.

Agad kaming nakarating sa school at dumiretso sa room. Hinanap agad ng mga mata ko si Alyssa at nilapitan nang makita ko siyang nakaupo sa upuan niya. Napatingin silang apat sa akin at marahil ay nagtataka kung bakit ako lumapit.

"Sumunod ka sa akin." Sabi ko habang nakatingin kay Alyssa.

"No. Stay here." Matigas na singit ni Jessica. I just rolled my eyes at her.

"Sumunod ka." Ulit ko at lumabas ng room. Tumambay ako sa balcony ng room namin at ilang sandali pa ay lumabas rin siya. Tumabi siya sa akin at hinarap ako.

"Yuri, salamat ulit sa ginawa mo."

Napairap nalang ako. Ayaw ko nang alalahanin pa ang katangahang nagawa ko. Bakit ko nga ba 'yun ginawa? Tsk.

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo." Direstsang tanong ko. Ayaw ko nang patagalin 'to.

Mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin noong una pero ilang sandali pa ay tumalim ang tingin niya at naging seryoso ang mukha.

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon