27 : A Demon's Called

1.2K 49 0
                                    

Chapter 27

Kinabukasan ay umuwi kami ng forest town. Doon na kami nagpalipas ng gabi sa phoenix village at sa mismong van natulog. Ang saya diba? Bwisit. Yung 25k ay hindi ko alam kung saan nila gagamitin. Wala naman akong pakialam doon dahil araw-araw akong pinapadalhan ng pera ni Lolo. At mukhang mga rich kids naman silang lahat, well except kay Yuna. Hindi ko nga alam kung bakit tuwang tuwa sila nang manalo sila eh. Psh.

Pagkarating ko sa bahay ay nakatulog agad ako. Pakiramdam ko pagod na pagod ang buong katawan ko. Isama mo pa na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Nagising lang ako nang tanghaling tapat na. Naligo ako at agad bumaba sa kusina. Nagugutom na ako. Akala ko may madadatnan akong pagkain sa table pero pagdating ko doon ay wala. Lagi namang may pagkain dito kahit alam ni Yuna na hindi ko kinakain ang niluluto niya.

Lumabas ako ng kusina at tinungo ang hagdanan. Aakyat sana ako pero saktong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Yuna at lumabas siya nang may dalang bag. Tumaas ang kilay ko at napatingin sa dala niya.

"Oh, Yuri." Bati niya nang makita ako. Umatras ako at naupo sa sofa nang bumaba siya ng hagdanan.

"Bakit walang pagkain?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ah, sorry. Uhm ano kasi, nagempake ako ng gamit dahil aalis na ako kaya hindi ako nakapagluto."

"Aalis?"

"Oo. Babalik na ako sa manila, nandoon kasi yung mga magulang ko. Kaya lang ako nandito sa forest town dahil dito ako nag-aaral pero dahil wala na akong matitirahan, babalik na ako doon."

"Anong tawag mo sa pagtira dito sa bahay ko?"

Ibinaba niya ang hawak na bag at sinuot ang sapatos na mismong bigay ko.

"Yun nga eh, nakikitira lang ako dito sa bahay mo kaya nakakahiya na. At isa pa, siguro naman tapos na ang pagtanaw mo ng loob sa akin, diba? Sobra-sobra pa nga eh."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. May parte sa akin na masaya dahil sa wakas mag-isa na ulit ako sa bahay pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang malungkot ako.

"Uhm, maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa bahay mo, Yuri."

"Kung talagang nagpapasalamat ka, wag kang umalis."

"Huh?"

"Ang sabi ko wag kang umalis. Ilang buwan nalang at matatapos na ang school year at kapag tapos na, ako na mismo ang magpapalayas sayo. Sa ngayon, hindi kita pinapaalis kaya wag kang umalis."

"Y-Yuri--"

"Magluto ka ng pagkain. Gutom na ako. Bilisan mo, tsk."

Tumayo ako at bumalik sa kwarto.

---

"Yuri!"

Agad kong sinamaan ng tingin sa Lio na mukhang may balak pa yata akong yakapin. Nabitin sa ere ang braso niya at nilampasan ako sabay yakap kay Yuna na nasa likod ko.

"Oh my god! Hoy, ano ba!" Gulat na bulalas ni Yuna.

Nilagpasan ko sila at naupo sa upuan ko. Nangalumbaba ako at pinanood si Yuna na mukhang hindi pa tapos sa paghampas kay Lio. Kawawang lalaki.

"Yuyu, hey." Kalabit sa akin ng katabi ko. Bagot ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay.

"Ano kasi, si Mama..." Sabi niya at napakamot sa ulo.

"Ano?"

"Doon ka na raw mag dinner sa bahay. Hindi mo naman siguro nakalimutan yung promise mo, diba?"

Mysterious Girl | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon